^

Para Malibang

Bakit ka tini-tagihawat? (1)

BODY PAX - Pang-masa

Ano ang tagihawat? Anu-ano ang mga dahilan nito? Paano makakaiwas?

   Ang tagihawat ay hindi mapanganib, pero nag-iiwan ito ng peklat. Ang balat ng tao ay mayroong pores (maliit na butas) na konektado sa oil glands na makikita sa ilalim ng balat. Ang glands ay konektado sa pores sa pamamagitan ng follicles – maliliit na daluyan. Ang mga glands na ito ay naglalabas ng Sebum (oily liquid). Ang sebum ay nagdadala ng  dead skin cells sa pamamagitan ng follicles sa labas ng ating balat. Ang maliliit na balat na ito ay lumalaki sa pamamagitan ng follicle sa labas ng ating balat. Ang tagihawat ay tumutubo kapag ang follicles ay nababarahan na nagiging dahilan ng pagkaipon ng langis o oil sa ilalim ng ating balat.

    Ang salitang acne ay galing sa salitang acme na ibig sabihin ay “the highest point”, na nanggaling sa salitang Greyego na  “acme” na ibig sabihin ay  “point” o “spot”. Sa tao ang tagihawat ay lumalabas sa mukha, likod, dibdib, balikat at leeg. Ang  skin cells, sebum at buhok ay nagkukumpol at nagiging bara, ang barang ito ay infected ng bacteria, na nagreresulta ng pamamaga. Ang tagihawat ay nag-uumpisang mabuo kapag ang bara ay kumalat.  Iba’t ibang uri ng tagihawat.

Whiteheads – ito ay namamalagi sa ilalim ng balat at napakaliliit nito.

Blackheads – ito ay maiitim na makikita sa ibabaw ng ating balat. Ang black heads ay hindi sanhi ng dumi sa balat. Ang pagkuskus sa mukha upang maalis ang blackheads ay hindi nakakatulong.

Papules – ito ay nakikita sa ibabaw ng balat. Ito ay maliliit na paga na kalimitan ay kulay pink.

Pustules – ito ay kitang-kita sa ibabaw ng balat at namumula na may nana sa puno nito.

Nobules – ito rin ay kitang-kita sa ibabaw ng balat. Ito ay malalaki at matitigas na tagiha wat. Ang tagihawat na ito ay masakit at mararamdaman hanggang sa kailaliman ng balat.

Cysts – makikita rin ito sa ibabaw ng balat. Ito ay mahapdi at puno ng nana at maaring magdulot ng peklat sa balat.

ANO

ANU

BALAT

GREYEGO

NOBULES

PAANO

TAGIHAWAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with