^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (11)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

ANG pagpapakamatay ng tiwaling pulitiko, na tumalon mula sa bubong ng 2-storey house matapos umaming nangurakot ng 500 million, ay umiintriga sa publiko.

Sariwa pa kasi sa alaala ang pagbaril sa sarili ng isang sikat na kandidato, sa miting de abanse.

Gaya ng politician na tumalon mula sa bubong, ang nasa miting de abanse  ay umamin din ng pagiging corrupt.

Paksa ng usapan sa mga barberya ang pangyayari.

 â€œMukhang uso ang suicide ng mga self-confessed mandarambong, a!” sabi ng barbero.

“Nakunsensiya na siguro sa laki ng ninakaw sa bayan, p’re,” sagot ng ginugupitan.

“Buti may kunsensiya pa, bro. Nakakaalis daw ng kunsensiya ang sobrang hilig sa baboy? Too much pork is bad for their health.”

“Aray ko! Muntik mo nang magupit ang tenga ko, a!”

“Naku, bro, sori! Nalibang ako sa usapan!”

Usapan din ng mga tindera sa palengke. “Dalawang gurang na pulitiko ang nagpakamatay. Kelan naman kaya ‘yung mga hindi pa gurang?”

“Bakit kaya natutuwa pa tayo sa pagpapakamatay nila?  Di ba dapat malungkot din tayo, mga mars?”

“Bakit naman kaya tayo dapat malungkot, ha, Tinay?”

“E, kasi…lumilitaw na totoo ngang corrupt ang mga ibinoto ng bayan, Sio­ning. Na ibig sabihin, tanga tayong pumili ng iboboto.”

“Am’ babaw mo, Tinay. Basta okey lang na magpakamatay ang mga corrupt na ‘yan!”

Iba naman ang pangamba ng mga nagbabayad ng buwis. “Nagpakamatay nga, e mabawi pa kaya ng gobyerno ng mga kinurakot?”

“Siguro naman, ‘no? Their death is good but we need cash.”

WALANG kaalam-alam ang mga tao na nakikialam na si Arlene. Ang multo ng dalaga ay ayaw tumigil sa paghabol sa mga gahaman.

Nasa session hall si Arlene ng isang city hall. Dito nanunungkulan bilang mayor ang isang dating miyembro ng national government.

Matanda na ang mayor, super-yaman na. Bulung-bulungan na nanagana sa iba’t ibang administrasyon ang taong ito. Masama ang tingin ni Arlene sa mayor, lumapit dito.  (ITUTULOY)

ARAY

ARLENE

BAKIT

BULUNG

BUTI

DALAWANG

DITO

TINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with