Bacteria sa Pagkain...
Iba’t ibang uri ng bacteria na matatagpuan sa pagkain. Narito ang ilan:
Listeria – Ang listeria monocytogenes ay bacteria na matatagpuan sa lupa, tubig at mga pagkaing hilaw at sariwang gatas. Hindi gaya ng ibang germs ang listeria ay kayang mabuhay sa malamig na temperature gaya ng refrigerator. Sa oras na tamaan ka nito, makakaramdam ka ng pananakit ng ulo, tiyan at pagsusuka. Sa pag-aaral, mayroong 1,600 katao ang matinding tinatamaan nito kada taon at 260 ang namamatay dito. Para makaiwas sa germs na ito, dapat linisin palagi ang loob ng refrigerator lalo na sa mga natatapon na juice, katas ng karne at mga cold cuts gaya ng ham, hotdogs at bacon.
Vibrio – Ito ay nabubuhay sa tubig-alat at madalas na matagpuan sa mga seafoods na hilaw. Makakakuha ka ng germs na ito kung kakain ng hilaw na shellfish na nagtataglay ng bacteriang ito. Sa loob ng 24-oras ay makakaranas ka rin ng pagtatae, pagsusuka at pananakit ng ulo at panginginig ng katawan. Mararanasan ito sa loob ng tatlong araw.
Toxoplasma – Mahigit 60-milyong lalaki, babae at mga bata sa Amerika ang nagtataglay ng Toxoplasma gondii parasite. Ngunit iilan lang ang kinakikitaan ng sintomas nito dahil sa mataas na immune system ng kanilang katawan kaya hindi makapaminsala ang germs na ito.
Norovirus – Ang virus na ito ay maaaring magpamaga sa loob ng iyong tiyan na karaniwang tinatawag “stomach fluâ€. Ang germs na ito ay madalas na makita sa kontaminadong pagkain at inumin. Nakakahawa ito dahil puwedeng makuha sa taong nagtataglay nito sa pamamagitan ng laway dahil nabubuhay din ito sa hangin. Makakaramdam ng pagkahilo, pagtatae at pagkapagod ang taong madadapuan ng virus na ito. Umaabot sa 23 milyong katao sa U.S ang nakakaranas nito kada taon. Kung saan 50,000 sa mga taong ito ay naoospital at 310 ang namamatay. Para makaiwas ito, ugaliing maghugas ng kamay at panatiliin ang kalinisan sa kusina at comfort room.
- Latest