Pabakunahan si Baby (1)
Ang pagpapabakuna ay isang napaka-halaÂgang aksyon upang proteksyonan ang kalusugan ng mga bata. Kung hindi naumpisahan ang mga bakuna, o kung nahuli ang pagpapabakuna, maaaring mag-iba ang iskedyul ng turukan; ikonsulta na lang sa doktor kung anong mga pagbabago ang mangyayari.
Para sa mga sanggol (0-12 BUWAN) Hepatitis B
Ang Hepatitis B vaccine ay pangkontra sa sakit na Hepatitis B; ito’y karaniwang itinuturok sa may tadyang ng sanggol. Ang bakuna laban sa Hepatitis B ay tatlong beses binibingay:
1. Sa pagkapanganak ng baby sa loob ng unang buwan nito.
2. Apat na linggo pagkatapos ng unang bakuna
3. Apat na linggo pagkatapos ng pangalawang bakuna
BCG
Ang BCG ay nagbibigay ng proteksyon laban sa TB. Hindi nito kompletong napipipigal ang pagkakaroon ng TB pero malaking tulong ito lalo na sa mga malalang kaso ng TB sa mga sanggol. Ito’y itinuturok sa braso ng sanggol, at nagpepeklat. Ibinibigay ito isang beses lamang.
DPT: Diptheria, Pertussis, Tetanus
Ang DPT ay isang bakuna na lumalaban sa tatlong impeksyon na delikado kung maka-apekto sa bata: dalawa sa kanila ang nakaka-apekto sa baga, at ang sintomas ay ubo: ang ‘Diptheria’ at ‘Pertussis’. At ang ikatlo naman ay ang ‘tetanus’ na maaaring makuha ng mga bata sa mga sugat. Itinuturuk ito sa tadyang. Ito’y ibinibigay ng tatlong beses:
1. Sa ika-6 na linggo ng baby.
2. Apat na linggo pagkatapos ng unang bakuna
3. Apat na linggo pagkatapos ng pangalawang bakuna
OPV O bakuna sa Polio
Ang OPV ay bakuna laban sa polio, isang sakit na nakaka-apekto sa paglaki ng katawan, at siyang sanhi ng pagkalumpo nung unang panahon. Bagamat hindi na uso ang polio ngayon, ito’y mahalaga pa ring inumin ng mga bata. Pinapainom ito sa bibig, at ibibinigay ng tatlong beses, kasabay ng DPT:
1. Sa ika-6 na linggo ng baby.
2. Apat na linggo pagkatapos ng unang bakuna.
3. Linggo pagkatapos ng pangalawang bakuna.
- Latest