Kung workaholic si ate...
Ito ay huling bahagi ng paksa kung anu-anong bagay ang mabuting gawin kung ang iyong misis/gf ay isang “workaholicâ€
Surpresahin siya – Dahil sa sobrang kaabalahan niya, puwede ka pa rin naman magpakita ng “sweetness†sa kanya sa pamamagitan ng biglaang pagbisita sa kanyang bahay o sa opisina. Kung sa tingin mo naman ay hindi siya lalabas ng bahay o opisina niya, bakit hindi mo siya dalhan dito ng bulaklak o di kaya ay pagkain. Sa pamamagitan nito ay mararamdaman niyang sobrang importante siya sa’yo at tiyak na mas mamahalin ka niya.
Intindihin ang kanyang schedule – Ang pinakamabuting gawin sa isang workaholic ang gf/misis ay intindihin na lang ang uri ng kanyang trabaho at oras. Lawakan mo ang iyong kaisipan sa mga responsibilidad niya sa kanyang trabaho.
Tagpuin ang kanyang day-off – May mga couples na saliwa ang day-off sa kani-kanilang mga trabaho. Pero, kung naiintindihan mo naman talaga ang kanyang schedule at trabaho, bakit hindi na lang ikaw ang mag-adjust ng iyong day-off at sabayan ang sa kanya? Maaari rin ninyong pag-usapan ang sabay na araw ng inyong leave mula sa trabaho at magbakasyon at magpahinga ng magkasama.
Kilalanin ang kanyang “boss†– Mas mabuti kung kilala ka ng kanyang boss at magkaroon ng kaunting pakipagkaibigan sa kanya. Sa ganitong paraan ay makakapasok ka sa kanilang “circle†at may posibilidad na humingi ng pabor kung sakaling kailangan ng misis/gf mo na magkakaroon ng emergency leave.
Pag-aralan ang industriyang kanyang ginagalawan – Mahalaga ang komunikasyon sa isang relasyon kaya naman para hindi kayo maubusan ng pinag-uusapan ay pag-aralan mo ang uri ng kanyang trabaho. Sa ganitong paraan ay matutulungan mo siya sa anumang problema tungkol sa kanyang trabaho.
- Latest