‘Panty-less’ (1)
Minsang napag-usapan ang foreign singer na si Christina Aguilera nang tahasan niyang sabihin sa isang interview na ayaw na ayaw niyang nagsusuot ng panty. Ibig sabihin, lagi siyang “exposed†kahit nasa public places. Kakaiba raw ang pakiramdam ng walang panty. “I like to be as free as possible at all times,†sabi niya. Sa kultura ng ibang bansa na walang “basagan ng tripâ€, hindi ito magiging isyu sa kanila. Ngunit sa mga kulturang Pinoy, hindi ito magiging katanggap-tanggap sa marami. Maliban na lang sa ibang liberated. May mga lola, lalo na sa mga probi-probinsiya na talagang hindi na nagsusuot ng panty para madaling makaihi. ‘Yung mga lola na laging naka-bestida ng maluwag at tatayo na lang at ibubuka ang mga paa, diretso ihi.
Ngunit sa mga dalaga o medyo may edad na, hindi maaaring hindi mag-panty lalo na kung pupunta sa mga public places. Siyempre ang pakiramdam mo ay para kang “exposed†kapag walang undies. Ngunit si Cristina Aguilera, sa pakiramdam niya ay ito ay “empoweringâ€. Kung nasa bahay at matutulog na, okay lang na hindi nagsusuot ng underwear. Sa katunayan, sina-suggest ng ilang ob-gynechologists na huwag magsuot ng panty kapag matutulog na sa gabi para sa mas magandang ‘air circulation.’
Sa ganitong paraan ay “nakakasingaw†o “nakakahinga†ang ating private part para mapanatili ang natural flora.
Kailangang laging ventilated ang ating ‘private part’ para hindi maging pawisin na nagiging sanhi ng pamamaho at para hindi magiging acidic na paboritong pamahayan ng mga bacteria. (Itutuloy)
- Latest