Newborn Screening? (1)
Ang Newborn Screening ay iÂsangsimÂpleng pamamaraan kung saan maaaÂring malaman ng maaga kung ang isang sanggol ay may Congenital Metabolic Disorder o mga sakit na talagang hindi napapansin pagkapanganak, ang mga sakit na ito ay maaari pang magdebelop habang ang sanggol ay tumatanda at ang mga ito ay maaaring maging daan upang sila ay magkaroon ng Mental ReÂÂtardation o kaÂwalan ng wastong pag-iisip, na puwedeng huÂmantong sa kamatayan pagtagal.
A. Bakit importante ang NewbornScreening?
Karamihan sa mga ipinapanganak na sanggol na mayroong metabolic disorder ay mukhang normal. Pero lingid sa ating kaalaman na mayroon na pala silang sakit na hindi lang natin malalaman kung hindi pa lumabas ang mga sintomas nito na kadalas’y huli na. Ang epekto ng sakit na ito kapag napabaÂyaan o malubha na ay“irreversible†o hindi na maaring ibalik pa.
B. Kailan isinasagawa ang NewbornScreening?
Ang Newborn Screening ay isinasagawa sa loob ng isa hanggang dalawang araw matapos maipanganak. Kung gusto namang makasiguro, maaaring ipaulit ang Newborn Screening test makalipas ang dalawang linggo. (Itutuloy)
- Latest