Tamang pabango lang...
Masarap may makatabing mabango, kaya lang kung sobra naman ang pagkakalagay ng pabango at nagiging masangsang na ito sa ilong, nagdudulot na ito ng sakit ng ulo sa iba. Narito ang ilang paraan sa tamang paglalagay ng pabango.
1. Kung maglalagay ng pabango, dapat I-spray na ito bago ka pa man magbihis ng iyong damit at maglagay ng mga alahas sa iyong katawan. May ilang pabango kasi na nagiging mantsa sa alahas at damit.
2. I-spray ang pabango sa iyong pulso, kamay, leeg, likod ng tenga, siko at pagitan ng dibdib. Huwag pagsalikupin ang iyong mga pulso para magkahawahan ng pabango dahil mabilis lang ito lalong mawawala.
3. Maglagay lang ng pabango sa iyong buhok kung bagong paligo. Dahil magdudulot lang ito ng hindi magandang amoy sa iyong buhok kapag naghalo ang pabango at ang natural oil sa iyong ulo.
- Latest