‘The Kiss’ (26)
VAMPIRE. Ito ang katauhan ni Vincento na kinumpirma kay Natalie ng dayuhang may dalawang pangil. “Pero mali ang alam ng mga tao tungkol sa amin, Natalie. Hindi totoong sa gabi lamang kami lumilitaw. Hindi totoong kapag araw na ay natutulog kami sa kabaong…â€
Walang imik si Natalie, nakatanaw sa kabayanan sa ibaba ng gulod. Mumunting liwanag ng mga ilaw sa bahay-bahay ang nagkikislapan sa dilim ng gabing iyon.
Siyempre pa ay palamuti rin sa langit ang crescent moon.
Nakatingala na sa kapiranggot na buwan si Natalie, matagal, tila hindi nagsasawa. Kaygandang pagmasdan ng likhang sining ng Diyos.
Diyos. Naaalala pa kaya ni Natalie ang Diyos?
Noong siya’y buhay pa, hindi pa nalilibing nang sampung taon, si Natalie ay maka-Diyos. Mabait siyang Kristiyano. Sila ni Sam ay palaÂging nagsisimba kung Linggo at Araw ng Pangilin.
Wala sa hinagap ng dalaga at ng binata na biglang mababago ang kanilang pag-iibigan—dahil sa halik ng istranghero.
Ang halik ni Vincento ang sanhi ng mahiwaga at biglang kamatayan ni Natalie.
Pero sa opisyal na pananaw ng duktor, na tinanggap naman ng lahat, si Natalie ay namatay dahil sa atake de corazon; heart attack, atake sa puso.
Iisang tao pa lamang ang nakakaalam na si Natalie ay nabuhay. Si Sam, ang laging tapat na kasintahan ng dalaga.
“NATALIE…†halos bulong ni Sam, sa paÂngatlong araw na pagka-confine sa psychiatric ward ng ospital. Tuwang-tuwa si Father Renzo. Ito ang unang pagkakataong nagsalita si Sam, mula ng matulala. Ibinalita agad ng butihing pari sa mga magulang ni Natalie ang magandang development. “Dalian ninyo ang pagparito, Clara. Kayo ni Tony. Sabay-sabay tayong magtatanong kay Sam—kung ano ang nangyari sa bangkay ni Natalie!†SI NATALIE at si Vincento ay magkatabi sa ibaÂbaw ng malapad na batong kama. Nakahiga sila.
Si Vincento ang nakakaalam kung sila’y magtatalik o magsisiping lamang. (Itutuloy)
- Latest