^

Para Malibang

‘The Kiss’ (14)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HINDI katanggap-tanggap sa parents ni Natalie ang sinabi ni Sam na baka magiging bampira ang dalagang nasa kabaong.

“Walang nabanggit sa amin si Natalie, tungkol sa sinasabi mong nanghalik sa kanya, Sam. Napakalupit naman ng hinala mo…”

“Tita, hula ko pa lang naman ho na baka vampire ang lalaki, na posibleng pagmumulan ng pagkabampira ni Natalie…” Hirap ang kalooban ng binata. Wala kasing naniniwala sa mga sinabi niya. Pati nga ang pagdilat ng mata ni Natalie ay ayaw paniwalaan ng parents nito. Walang ibang nakasaksi na magpapatunay na nagbukas nga ng mata ang bangkay.

“Sampung taon nang patay si Natalie, Sam, hanggang ngayo’y hindi pa naaagnas. Ang klaro, incorruptible ang katawan niya—hindi nabubulok…” “Ang aming anak, Sam, magiging santa. Kakampi ng Diyos,” magkasunod na pagtatanggol ng parents ni Natalie.

Napabuntunghininga ang binata, ayaw nang igiit ang pantastikong prediksiyon tungkol kay Natalie. “Hindi pa rin ho magbabago ang pag-ibig ko sa inyong anak, Tito Tony, Tita Clara. I will always love Natalie, anuman ang mangyari.”

Maging ang bakas ng putikang sapatos sa doorsteps ng musoleo ay hindi pinansin ng pa­rents ni Natalie. Posible daw may kung sino lang na nag-usyoso; no big deal raw dahil hindi naman nakapasok. Sinarili ni Sam ang nasa isip. “Kung vampire ang nais pumasok sa musoleo, walang imposible…may taglay itong certain powers.”

Ganoon daw naman ang kakanyahan ng mga kampon ng dilim, nakalilitaw at nakapaglalaho. Just like magic.

SABAY-SABAY nang nilisan ng mag-asawa at ni Sam ang musoleo. Gusto ng parents ni Natalie na  bigyang katahimikan ang bangkay ng dalaga. Sa isip kinausap ni Sam ang nobya. “Paalam na muna uli, Natalie. Huwag kang mag-alala, hindi na ako natatakot. Kung didilat ka uli next time, hindi na ako hihimatayin, promise.”

“Pero hindi kita papayagang maging kasangkapan ng puwersa ng kadiliman, Natalie. Kung kailangang pabendisyunan kita sa maraming pari, gagawin ko,” bulong niya habang patungo na sa kotse. Nawirduhan sa kanya ang parents ni Natalie. “Nakita mo ‘yon, Tony? Bubulung-bulong si Sam. He is acting strange.”  (ITUTULOY)

BUBULUNG

DIYOS

GANOON

NATALIE

SAM

TITA CLARA

TITO TONY

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with