Madilim ang kahapon
Dear Vanezza,
Itago mo na lang ako sa pangalang Elba. Dati akong prostitute. Napilitan akong pasukin ang trabahong ito dahil umaasa akong mahahango ako sa hirap kasama ang aking mga magulang at kapatid. Isang recruiter ang dumating sa probinsiya namin na may magandang pangako. Ipapasok daw ako sa isang malaking restaurant na magsisilbing training ground para ako makapag-abroad sa Singapore. Tatlo kaÂming naengganyo ng recruiter. Pagdating sa Maynila ay hindi restaurant ang pinasukan namin kundi isang kasa. Isang taon akong nagtrabaho sa kasa at pikit-matang tinanggap ko ang aking kapalaran. Hanggang isang araw ay ni-raid ng mga pulis ang kasa at doon pa lang ako nakawala. Ngayon ay lagi akong nag-iisa at ayaw kong makipag-usap kahit kanino dahil sa masaklap na karanasan ko. Ano ang gagawin ko para bumalik sa normal ang buhay ko?
Dear Elba,
Isipin mo na lang na hindi lang ikaw ang may ganyang kapalaran. Pero yung iba’y nakabawi at nakahulagpos sa dakong huli at ngauyo’y nabubuhay ng normal. Ikaw lang at wala nang iba ang makatutulong sa iyong sarili. Ilagay mo na sa iyong likuran ang masaklap mong karanasan at harapin ang naghihintay na magandang kinabukasan. Mabuti ring sumangguni ka sa isang psychologist para mapayapa ka at mapawi ang nararamdaman mo ngayon.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest