‘The Kiss’ (3)
PARANG napaso si Sam sa pisngi ni Natalie. Ang bangkay na hindi naaagnas ay hindi malamig; may kakatwang init ito.
“Oh my Lord…Natalie, don’t do this…†sambit ng binata, na para bang ang bangkay ang dapat sisihin sa kakaibang temperature nito.
Nagpakahinahon si Sam. “Baka naman gunguni ko lang… it was probably my wild imagination, ha, Natalie?â€
Tumingin siya sa loob ng musoleo. May palatandaan ba ng padating na bagong hiwaga?
Baka kikisap-kisap ang malamlam na corner lamp?
Or maybe may ibang katauhan sa dilim?
Napapalunok si Sam. Pakiramdam niya’y siya ang gumagawa ng sariling multo. Umaalagwa ang kanyang imahinasyon.
“N-Natalie…sapat nang hindi ka pa naaagnas, kahit wala ka na sa hukay. Stay like that lang, ha…†Ayaw ni Sam na may iba pang kababalaghang mangyayari sa pinakamamahal na nobya.
Narito pa rin siya, nagmamahal pa rin after ten long years mulang mamatay si Natalie. “Hindi ako umibig sa iba, sweetie…ikaw lamang ang nais kong ibigin.â€
Muli niyang tiningnan ang magandang bangkay. Kinukumbinsi ang sarili na hindi nga mainit ang temperature nito; imahinasyon lang niya.
“Natalie…sana ay magkasama na tayo sa kabilang buhay…Napakalungkot kapag wala ka.â€
Naupo siya sa silyang nasa musoleo, inilapit sa kabaong. Tinitigan niyang muli si Natalie.
Mayamaya’y natanaw niya sa labas ang sepulturero, bitbit ang mga hinawan na damo.
“Manong, sandali po!â€
Pinapasok sa musoleo ang sepulturero, sinabi ang gustong mangyari. “Kuwan, manong…pakihipo sa pisngi ang bangkay…â€
“P-po…bakit po, ser?â€
“Gusto ko pong tiyakin na malamig siya, gaya ng ibang bangkay…â€
Napapakamot na hinipo nga ng sepulturero ang pisngi ni Natalie.
“Naku, ser, malamig pa ‘to sa yelo! Patay na patay ho!†nakangising sabi nito. (ITUTULOY)
- Latest