ALAM N’YO BA?
Alam n’yo ba na 70% ng mga antibiotics sa America ay hindi sa tao ginagamit? Oo, ito ay ibinibigay sa mga hayop sa bukid upang matiyak ang kanilang paglaki at kalusugan. Hinaharang kasi ng antibiotiko ang pagdami ng mga microorganisms sa katawan ng hayop.
Mayroong 7,000 uri ng mansanas sa buong mundo? Ngunit 100 lang dito ang itinitinda sa merkado. Lumulutang ang mansanas sa tubig dahil 25% ng laman nito ay tubig. Ang isang puno nito ay maaaring mapagkunan ng 20-kahon ng mga apples. Nakakaani ng mansanas sa buong mundo ng 40 milyong tonelada kada taon.
- Latest