^

Para Malibang

Malapit ng mahulog sa tukso

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Lynda, empleyada at may asawa na nasa abroad. Sampung taon na kaming kasal. Tuwing 2 taon lang kung umuwi siya. Dahil bihira kaming magkita, bilang na bilang ko rin kung ilang beses lang kami nagtalik, 10 beses lang. Iyan siguro ang dahilan kaya wala kaming anak. Tao lang po ako para maghanap ng pag-ibig. Pero nagpipigil ako dahil iniisip ko na ang ginagawa naman niya ay para sa aming kinabukasan. Kaya lang, sadyang maraming tukso sa aking paligid lalo na sa opisina na pinapasukan ko. Maraming nagpaparamdam sa akin lalo na alam nila wala dito ang mister ko. Natatakot ako dahil parang nahuhulog ang loob ko sa isa sa mga lalaking ito. Ano ang gagawin ko?

Dear Lynda,

Malungkot na katotohanan na dahil sa pagkakalayo ng mag-asawa ay marami nang pagsasama ang nawasak. Pero ikaw na rin ang nagsabi na para sa inyong kinabukasan ang ginagawa niya kaya mas dapat kang magpaka­tatag laban sa tuks­o. Dito masusubok ng iyong mister ang iyong katapatan. Subukan mo ring kumbinsihin ang iyong asawa na manatili na lang sa Pilipinas at dito magtrabaho. Kung may ipon na kayo ay puwede kayong magnegos­yo. Mas mahalaga ang pag-iingat sa relasyon kaysa trabaho. Aanhin mo ang malaking kita kung mawawasak naman ang pamilya?

Sumasaiyo,

Vanezza

 

AANHIN

ANO

DAHIL

DEAR LYNDA

DEAR VANEZZA

DITO

IYAN

LANG

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with