^

Para Malibang

Pinipigilang mag-asawa

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Nonie, 35 at nagtatrabaho sa Dubai. May bf ako sa Pilipinas. Ako lang ang nagtataguyod sa mga magulang kong matanda na at walang trabaho. May dalawa pa akong kapatid pero hindi naman nakakatulong sa mga magulang namin kahit may mga trabaho sila. Nang unang umuwi ako sa Pilipinas, balak na naming magpakasal ng bf ko. Walang tutol ang mga magulang ko. Pero ang matigas ang pagtutol ay yung mga tiyahin at tiyuhin ko. Kahit pa ang edad ko ay malapit nang mawala sa kalendaryo, galit na galit sila nang sabihin ko ang planong pagpapakasal. Hindi natuloy ang kasal at nagbalik ako sa Dubai. Sabi ko sa bf ko, sa susunod na pagbabalik ko na lang namin ituloy ang kasal. Ngayon ay dalawang linggo na akong nasa Pilipinas at matigas pa rin ang pagtutol ng aking mga tito at tita. Ano ang gagawin ko?

Dear Nonie,

Tama ka. Tumatanda ka na at karapatan mong magkaroon ng sariling pamilya. Huwag mong intindihin ang sasabihin ng mga kamag-anak mo. Basta’t huwag mo lang pababayaan ang iyong mga magulang na hindi na kayang magtrabaho dahil sa katandaan. Pero dapat mo ring kausapin ang dalawa mong kapatid. Tila unfair na kahit may mga trabaho naman sila ay ayaw nilang tumulong sa inyong mga magulang. Matapos kayong kalingain ng inyong mga magulang, kayo naman ngayon ang dapat lumi­ngap sa kanila.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO

DEAR NONIE

DEAR VANEZZA

DUBAI

HUWAG

KAHIT

PERO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with