^

Para Malibang

Gupit para kay kuya....

Pang-masa

Nasa unang buwan pa lang ng taong 2012 at ang pinag-uusapan ngayon ay kung anong usong damit at gupit ng buhok para sa babae at lalaki. Okey lang naman na sumunod sa uso, lalo na kung ang uso ay bagay naman sa’yo. Pero, hindi rin naman tamang sumunod dito kung hindi akma sa iyong itsura kung anuman ang uso. Bakit hindi ka na lang magpakatotoo at alamin kung ano ang bagay sa’yo, maging pananamit o gupit man ito. Narito ang ilang paraan para malaman mo kung anong dapat na gupit sa’yo kuya!

Kung ikaw ay kulot, huwag itong ikahiya – Hindi mo dapat baguhin ang uri ng iyong buhok. Bagama’t maaari din naman magpa-straight ng buhok ang mga lalaki, pero, mas maganda pa rin kung maipapakita mo ang natural mo. Marami naman uri ng gupit na babagay sa kulot na buhok. Isang panganib ng pagpapa-straight ng buhok sa lalaki ay malaki ang posibillidad na ma-dry ang iyong buhok at lalo itong pumangit.

Kung manipis ang iyong buhok – Kung manipis ang iyong buhok at malapit na itong maglaho sa iyong ulo, hindi mo ito dapat pahabain. Mali ang sabi-sabi na nakabubuti ang pagpapahaba ng buhok kapag nagiging manipis na ang buhok dahil mas nahahalata na manipis ang iyong buhok sa ibang bahagi ng iyong ulo. Kaya dapat mo itong panatilihing maikli at nasa tama ang gupit.

Kung bilog ang iyong mukha – Ang mga lalaking may bilugang mukha ay hindi rin dapat magpahaba ng buhok. Ang kanilang gupit ay kinakailangan na mas makapal ang buhok na nasa kanilang tuktok kumpara sa gilid ng kanilang ulo upang  mas lumiit tingnan ang kanilang mukha

Kung “square” ang iyong mukha – Kapag parisukat ang hugis ng iyong mukha, nagbibigay ito ng mas maskuladong itsura sa mga lalaki, kaya naman ipinapayo ng mga eksperto ang maikli rin gupit ng buhok. Maaari din sa kanila ang tinatawag na “spike hair” para sa mas malinis na itsura.

Kung ang mukha mo ay “oval” – Kapag ganito ang hugis ng iyong mukha, wala kang problema sa gugustuhin mong  “hair styles”, dahil madaling bumagay sa mga oval shape face anumang uri ng gupit mapa-long hair o kahit pa gupit sundalo.

Kung pahaba ang iyong mukha – Kung pahaba ang iyong mukha, dapat na maikli ang gupit ng iyong buhok sa itaas ng iyong ulo at mahaba naman sa magkabilang bahagi nito. Ang gupit na ito ay makakapagpaikli sa itsura ng iyong mukha.

Hindi maiiwasan na may mga lalaking hindi masyadong pansin ang kanilang buhok. Ang hindi nila alam malaking porsiyento ang naidadagdag  at naibabawas ng istilo ng buhok sa kanilang itsura. Kung halimbawang nagpagupit, dapat itong alagaan at palaging suklayin ng tama. Tandaan mga kuya, tiyak na mapapansin ka ng mga babae kung ikaw “neat” ang iyong itsura.
 

BUHOK

DAPAT

GUPIT

IYONG

KAPAG

KUNG

MUKHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with