^

Para Malibang

‘The beautiful ones’ (31)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

INILIPAD ng dalawang demonyong may pakpak, sungay at buntot si Oreo. Lulang-lula ang bakla, maputla pa sa suka. “Ano ba? Wala dito ang zombies ko! An’ taas-taas na natin!”

Nagsalita ang isa sa dalawang demonyong lumilipad. “Ang utos ni Boss, ihulog ka mula rito—sa taas na 36, 000 feet.”

“Ano?  I object! Kakausapin ko si Satanini!”

“Ayaw ka na niyang pagkaabalahan, mortal.”

Bago pa nakaimik muli si Oreo, binitiwan na siya ng dalawa.

“AAAAAHHH!” sigaw ni Oreo, bumubulusok na sa dilim ng gabi, muntik pang mahagip ng nagdaraang eroplano.

“Patay na akong tiyak! Magkakalasug-lasog ako! Oh my God, Ikaw na po ang bahala! Ayoko po kay Satanini! Parusahan Mo na lang po ako sa purgatoryo!” walang tigil na sabi ni Oreo, malapit na sa lupa—una ang ulo.

Sa kanyang pagkamangha, biglang may sumalo sa kanya—malalamig na ispiritu. “Panginoong Diyos ko—kayo ang mababait na kaluluwa ng mga zombie ko! Hallelujah!”

“Payapa na ang aming katawang lupa, Oreo. Ang Diyos ang hahatol sa iyo, sa sarili Niyang panahon,” sabi ng ispiritu ng Talipapa Queen.

Bumagsak si Oreo nang slow motion, sa bukid. Buhay siya, nakita ang nagkalat na zombies, pawang pugot na ang ulo, wala nang buhay.

Humagulhol si Oreo, labis na na-guilty. “Paalam, Hollywood actress, Talipapa Queen, Dirty Politician at General Kopong-kopong. Rest in peace now, my beautiful ones…”

 Nakatanga sa kanya ang mga taga-bukid, daig pa ang nakasaksi ng himala; noon lang nakakita ng taong nahulog mula sa langit.

“Dalhin ninyo ako sa pulisya, pleez. Ako po ang amo ng mga zombie,” luhaang pakiusap ni Oreo. “Susuko na po ako.”

TATLONG dekada na ang nakaraan, nakakulong pa rin si Oreo—pero hindi sa piitan ng mga kriminal. Nasa kulungan siya ng mga baliw.

Matanda na si Oreo, bubulung-bulong sa sarili. “Sino ako? Ewan. Saan ako nakatira? Ewan. Bakit wala akong makita? Dahil bulag na ako! Ha-ha-ha-haa!”

Bulag na nga si Oreo. Bahala na ang Diyos sa kanyang kaluluwa.

WAKAS (Up Next: BLACK ANGEL)

vuukle comment

AKO

ANG DIYOS

ANO

DIRTY POLITICIAN

EWAN

GENERAL KOPONG

OREO

PANGINOONG DIYOS

TALIPAPA QUEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with