May Kuto? Huwag mag-panic
Last part
Tinukoy na karaniwan sa mga over-the-counter head-lice treatment ay may permethin at pyrethrin, bagaman maaaring subukan, sinasabing may kaso na ang kuto ay resistant sa mga chemicals na ito. Maging ang sinasabing paglalagay ng mayonnaise, oilive oil o petroleum jelly sa buhok para madali umanong mapadulas ang kuto ay suntok sa buwan din na maituturing. Parusa pa ang pagtatanggal ng mga ito sa buhok pagkatapos.
Sa totoo lang, hindi naman kailangan maÂging kumplikado ang hakbang laban sa mga kuto. Dahil ang paggmit ng akmang suklay (suyod) ay sapat na para mabawasan ang pangangati at kalaunan ay tuluyan nang makakawala sa iritasyon at nakakadiring pakiramdam dulot ng kuto.
Kailangan lamang ay maging asipag sa pagsusuyod nang regular hanggang sa tuluyan nang mawala ang pangangati. Kung sa palagay ay kinakailangan ding suyuran ang inyong baby, pinaka-akmang gawin ito habang siya ay naliligo. Makakatulong ang paggamit ng conditioner para mas madaling padaanin ang suyod sa bawat hibla ng buhok. Tiyakin na sa bawat hagod sa suyod ay tingnan muna kung may sumamang kuto at tanggalin ito bago ihagod uli ang suyod.
Sakaling mamataan ang mga lisa sa buhok, wala kang dapat ikabahala at ituluy-tuloy lang ang pagsusuyod. Dahil kalaunan sa panay- panay na pagsusuyod aya kasama na ring mawawala ang lisa.
- Latest