Gaganda ka pa rin ba kahit nasa 40 ka na?
Ang pagkakaroon ng manipis na buhok ay suliranin ng marami, lalo na ng mga kababaihan. Hindi naman maaaring hindi ka gagamit ng shampoo at iba pang pampaganda ng buhok para mapanatili mo itong malusog. Narito ang ilang paraan para mapangalagaan mo ang manipis mong buhok at hindi ka makalbo:
Gumamit ng shampoo para sa manipis na buhok – Ang manipis na hibla ng buhok ang pinakasensitibong uri ng buhok dahil madali itong maputol at masira. Kaya importanteng gumamit lang ng mild shampoo. Mas makabubuti kung ang gagamitin mong shampoo ay para talaga sa uri ng ganitong buhok dahil tiyak na may sangkap ito na pampatibay ng hibla. Tiyakin din na gumamit ng conditioner at imasahe ang iyong anit.
Kumain ng masustansiyang pagkain – Tandaan, anumang aspeto ng iyong pisikal na katawan ay nangangailangan ng bitamina, kaya maging ang buhok ay kailangan din nito. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa vitamins B6, B12, E at Omega-3. Uminom din ng maraming tubig para manatiling fresh ang iyong balat kasama na ang anit.
Magkulay ng buhok – Ang pagkukulay ng buhok ay nakakadagdag ng ilusyon na makapal ito. Kaya pumili ng tamang kulay. Hindi dapat masyadong mapusyaw o maitim ang kulay. Kumunsulta sa iyong hairstylist para malaman kung anong kulay ang babagay sa’yo.
Pumili ng tamang gupit – Kung tama at bagay sa’yo ang iyong gupit, tiyak na lalabas itong makapal. Sa kabuuan, ang mga taong may manipis na buhok ay nagpapagupit ng maikli para maging makapal itong tingnan.
Iwasang painitan ang iyong buhok – Inaalis ng init ang moisture sa iyong buhok. Kaya kung palagi kang nagbo-blow-dry ng iyong buhok, tiyak na maluluto ang itsura nito at mada-dry hanggang sa maputol.
Maraming paraan para mapangalagaan ang buhok na manipis, puwede ka din makipag-usap sa mga hair expert tungkol dito para mabigyan ka ng rekomendasyon kung anong treatment ang magandang gawin sa iyong buhok.
- Latest