‘The beautiful ones’ (8)
SA UTOS ni Oreo, naligo ngang sabay-sabay ang mga bangkay na nabuhay, the living dead, the beautiful ones. Sabihin pa’y nagpista sa kahubaran ng mga ito ang may topak na yatang si Oreo.
“Magsabon kayo ng imported soap ko, mga alagad! Para bumangu-bango kayo! Hi-hi-hi-hi.â€
Parang mga robot ang galaw ng mga nabuhay; wala pa ring focus ang mga mata, lagusan kung itingin.
Ding-dong. Ding-dong.
Tunog iyon ng doorbell ng bahay ni Oreo. “Nandiyan na ang food delivery na inorder ko! Isa sa inyo ang kukuha!â€
Ding-dong. Ding-dong.
“Nandiyan na, sandali lang!†sigaw ni Oreo, nainis.
“Ikaw na lang, Miss Hollywood actress. Pakikuha ang masaganang pagkain sa makulit na ‘yon.â€
Nag-bathrobe ang artistang imported, parang de-susi na tinungo ang pinto, glamorosang napakaputla ng kulay. Kulay-bangkay, actually.
Kre-e-ekk. Lumangitngit ang pinto nang buksan nito.
“Good evening p-po…†N-napadilat ang mata ng delivery man, napansin ang mala-robot na galaw ng magandang babae; napansin pati ang kulay-bangkay. “D-delivery p-po…â€
“Give…me…†sabi ng aktres, parang galing sa malalim na balon ang bahaw na tinig.
Ang delivery man ay sinakop na ng matinding takot. Iba ang mata ng babaing kaharap—walang liwanag, nakatingin sa kawalan.
Ngissh, ungol nito sabay buka ng bibig, ipinakita sa delivery man ang loob ng bunganga.
Puro bulate at uod. Ngissshh.
“A-a-aa…†Natutop ng delivery man ang dibdib, hindi na makahinga.
Blag. Bumagsak ito, inatake sa puso.
Saglit pa’y namatay na sa takot, dilat ang mga mata.
Nahambal si Oreo sa nangyari. “Oh my gray shoes, Hollywood actress, bakit mo pinatay sa takot? Wala sa plano ito!â€
Ngissh, sabi sa kanya ng living dead. Napaigtad si Oreo.
“Bruha ka, ano’ng gagawin natin sa bangkay? Ano? Anooo?†(ITUTULOY)
- Latest