‘The beautiful ones’ (5)
TAKA ang demonyo. “Bubuhayin ko ang the Beautiful Ones para ka maghasik ng lagim, Oreo? E ni hindi ko alam kung ano ang sinasabi mong ‘yon. Mga istatwa ba? Mga larawan?â€
“Taning, mga lumang tao ang The Beautiful Ones, super-tagal nang mga patay,†paliwanag ni Oreo, nagniningning ang mga mata.
Nagkainteres ang demonyo. “Ituloy mo, explain further, bakla.â€
“Magaganda silang tao, namatay 30-40-60 years ago! Sila ang gagawin kong alagad ng lagim! I will be their empress!â€
“Iba rin ang katarantaduhan mo, ha? Meron kang criminal mind, welcome to the club!â€
Tipid na ngiti ang tugon ni Oreo, pa-humble effect.
“Sinu-sino ba sila, badaf?â€
Memoryado ni Oreo ang mga pangalan. Naengkuwentro niya ang mga ito sa mga lumang magasin at old movies.
“Sari-sari sila. Merong mula sa showbiz, sa pulitika, sa kasaysayan ng mundo o world history, etsetera. Meron ding naging reyna ng talipapa…â€
Inilista ni Oreo, ibinigay sa demonyo.
Napapangisi ang may tatlong sungay, aliw na aliw.
“Bubuhayin ko sila, mula sa hukay, ha, baklekoy?â€
Tumango si Oreo. “Sakto, Satanini. Kaya mo o hindi?â€
Napikon ang demonyo. “Lahat ay kaya ko, gaano man kaimposible! Makapangyarihan ako, swarding! Kaya kong magdulot ng kalamidad—bagyo, lindol, airplane crash, train crash, landslide at--â€
“At ano pa, ‘Tanas?â€
“My favorite pastime—sunog! Fire! Bwa-ha-ha-haa!â€
“Just do it, demonyo ka!â€
Nagpatumpik-tumpik ang prinsipe ng kadiliman. “An’ lagay e…â€
“Humihingi ka ng lagay? Que horror!â€
Ibinulong nito kay Oreo ang ‘lagay’.
Napantastikuhan ang bakla. “Anohh? ‘Kakahiya ka, an’ cheap mo!â€
Umorder ng dinuguan at puto si Oreo. Iyon ang nilantakan ng demonyo. Iyon pala ang paborito nito at the moment.
NAGSERYOSOHAN na si Oreo at ang devil. Busog na ang huli nang detalyehin ang plano tungkol sa Beautiful Ones. (ITUTULOY)
- Latest