‘The lonely ghost’ (20)
KITANG-KITA ni Clarissa nang walang awang paulanan ng bala si Raymundo. Bumulwak ang dugo sa katawan ng kasintahan, bumagsak agad na tirik ang mga mata.
“Raymundo! Panginoon kong Diyos! Bakit ka nila ginanito? Hu-hu-hu-huuu.†Gimbal ang multo, humahagulhol na.
Pero walang nakakakita, wala ring nakakarinig, kay Clarissa. Ang multo niya at tinig ay sabay na hindi naramÂdaman ng sinuman.
“Raymundo! Hindi ganitong kamatayan ang dapat mong sinapit! Napakalupit naman!†Niyakap na ng multo ni Clarissa ang naghihingalong kasintahan; para na silang mag-ama sa agwat ng mga edad.
“Marietta…ayoko pang umalis…paano ang mga bata?â€
Napalunok si Clarissa, hindi na siya dapat magselos kay Marietta; pinakasalan ito ni Raymundo nang siya ay patay na; hindi nagtaksil si Raymundo; nagmahal ng iba dahil wala na siya.
Lumalamlam na ang paligid kay Raymundo; halos hindi na nito maunawaan ang unti-unting pamamanhid ng buong kamalayan.
“Clarissa…abangan mo ang kaluluwa ko. sabay tayong…aakyat sa Langit, aking mahal…â€
Lalong bumalong ang luha ni Clarissa. Hindi talaga nalimutan ni Raymundo ang kanilang usapan.
“Narito ako, Raymundo, mahal na mahal kita…hihintayin kita…â€
Nalagutan na ng hininga si Raymundo; lumuÂngayngay.
Umiyak si Clarissa. Kinasusuklaman niya ang naging bayolenteng katapusan ni Raymundo.
Opisyal nang patay si Raymundo. Lalabas na ba sa katawan ng nobyo ang ispiritu nito?
Naramdaman ni Clarissa na may humihigop sa kanyang ispiritu, napakalakas na puwersang hindi kayang tutulan.
“Aaaahh! Raymundoooo!†yanig na sigaw-palahaw ni Clarissa.
Hindi na niya nasaksihan ang paglabas ng kaluluwa o ispiritu ni Raymundo. Siya ay hinila sa kaulapan ng kapangyarihang hindi nakikita.
“Huwag n’yo akong ilayo kay Raymundo! Hihintayin ko ang kanyang kaluluwa!â€
ANG ALAM ni Clarissa, siya ay inilipat ng power sa ibang panahon at lugar. (SUBAYBAYAN)
- Latest