^

Para Malibang

Cancer mula sa oral sex

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Dahil mainit na pinag-uusapan ngayon ang komento ng sikat na Hollywood actor na si Michael Douglas ukol sa kanyang kanser sa lalamunan na nakuha niya diumano sa oral sex, talakayin natin ito. Matagal nang may throat cancer si Douglas at kamakailan ay kumalat ang balitang sinabi niya diumano na nagkasakit siya sa lalamunan  dahil sa Human Papillomavirus (HPV) na isang sexually transmitted desease o STD. Ang HVP ay ang sanhi ng genital warts na maaaring walang sintomas. Kung hindi magagamot ay maaaring maging sanhi ng  cancer sa cervix, puwet, penis, vulva at puwedeng maging kanser sa leeg at sa bahaging ulo. Ayon kay Dr. Maura Gillison na professor sa Ohio State University na gumagawa ng pag-aaral sa HPV infections sa ulo, lalamunan at leeg, limang taon na ang nakakaraang nang tanggapin  na ang HPV na maaaring maging sanhi ng cancer sa ulo at leeg. Dati ay walang may pakialam ukol sa oral HPV infection ngunit hindi na ngayon dahil marami nang ginagawang pag-aaral ukol dito. Ayon sa U.S. Centers for Disease Control and Prevention, may  60% ng oropharyngeal cancers — cancers sa lalamunan, tonsils at sa bahaging dila ay may kinalaman sa HPV.  Iminumungkahi ng mga doctor na magkaroon ng bakuna laban sa HPV ang mga bata…. (ITUTULOY!)

AYON

DATI

DISEASE CONTROL AND PREVENTION

DR. MAURA GILLISON

HPV

HUMAN PAPILLOMAVIRUS

IMINUMUNGKAHI

MATAGAL

MICHAEL DOUGLAS

STATE UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with