^

Para Malibang

‘Haunted hospital’ (29)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NASA tuktok ng ospital ang napakaraming kampon ng kadiliman—masasamang ispiritu na sa Hope Hospital nanliligalig.

“D-Dr. Robles, p-pagbababarilin ko na po ba?” Nagpapakatapang ang security guard, bumabawi sa pagkapahiya nang sinundang araw; una itong tumakbo sa takot nang sumalakay ang bad spirits.

“Sige, Claudio, baka sakaling mayanig sa pu­tok,” sabi ni Dr Robles. Katabi pa rin niya ang mabait na multo ni Dr. Medina.

BANG. BANG. BANG.

Nagsayang lang ng bala ang sekyu, nagtawanan lang ang mga multo.

“Ha-ha-haa! Hyik-hyikk-hyikk!”

Kaydami nang taong nag-uusyoso, nagpapakita sa mga ito ang masasamang multo. Kilabot na kilabot ang mga nakakasaksi sa pambihirang kababalaghan sa tuktok ng ospital.

Nakilala ni Dr. Robles ang isa sa bad spi­rits—ang yumaong dating owner ng ospital. “Mahabaging Diyos—s-si Dr. Clindaco nga!”

Dumating sina Nurse Olga at Nurse Armida, buhat-buhat ang solidong krus mula sa chapel. Itinapat agad nila iyon sa kaaway ng mga mortal.

“In Jesus’ name!” sigaw ng dalawang nars.

Mabilis na naglaho ang mga multo. Pero nakalipat agad sa loob ng ospital; doon nag-terrorize.

Sigawan ang mga naroon. “Eeeee! Aaaahhh!”

Bumulong si Dr. Medina. “Dr. Robles, crisis situation na po ito, kailangan na ang drastic action. Ako ho ang bahala.”  

Nawala na ang mabait na multo.

Sinalubong ni Dr. Robles sina Nurse Olga at Nurse Armida, dinala nila ang pangontrang krus sa loob ng ospital. Nasisigawan ang mga naroon. May matandang hinimatay sa takot. Nagkalat ang mga gamit sa Admission, obvious na winasak ng bad spirits.

“Pasasabugin ko ang ospital na ‘to!” galit na sigaw ng multong kilalang-kilala  ni Dr. Robles

“D-Dr. Clindaco…maawa ka sa mga pas­yente!” (TATAPUSIN)

DR ROBLES

DR. CLINDACO

DR. MEDINA

DR. ROBLES

HOPE HOSPITAL

IN JESUS

NURSE ARMIDA

NURSE OLGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with