Iniwan ka na ba?
Ang damdamin ng mga babae ay malayo sa mga kalalakihan. Ang lalaking iniwan o tinalikuran ng babae ay mabilis na makarekober o makapag-move-on kaysa sa babaeng iniwan ng kanyang partner. Kapag ang babae ay iniwan ng lalaki, wala itong gagawin kundi ang magkulong sa kuwarto at umiyak. Hindi siya makakain, makatulog at higit sa lahat halos nais na nitong magpakamatay. Pero, sa totoo lang hindi ito tama dahil napakarami pang lalaki sa mundo na handang magmahal sa’yo. Narito ang ilang paraan kung paano mo itataguyod ang iyong sarili sa oras na ikaw ay iniwan ng iyong boyfriend/ mister.
Maging matatag – Sa halip na umiyak, pag-aralan mabuti kung ano ang naging dahilan bakit ka iniwan ng iyong bf/ mister at anuman ang dahilan kailangan mong patatagin ang iyong sarili at kahit man lang sa iyong kalooban ay pasalamatan siya dahil sa oras at pag-ibig na ibinigay niya sa’yo at saka siya iwanan. Sa oras na mapalayo ka na sa kanya, ibulalas mo na ang lahat ng iyong sama ng loob sa pamamagitan ng pag-iyak. Isipin mo na lang na ang isang lalaking nang-iiwan ng walang dahilan ay hindi karapat-dapat sa’yo, sa iyong pag-ibig at panahon.
Pasayahin ang iyong sarili – Bagama’t napakahirap para sa’yo na maging masaya matapos ang pakikipaghiwalay, gawin ang lahat ng bagay na makakapagpabuti sa iyong pakiramdam gaya ng paglabas kasama ng mga kaibigan o pamilya.
Ibahagi ang iyong nararamdaman – Para mas gumaan ang iyong pakiramdam, sabihin mo sa iyong mga close friends o kaanak ang laman ng iyong damdamin. Tiyak na maiintindihan ka nila at mabibigyan ng “words of encouragement†para patibayin ang iyong damdamin. Sumama sa lakad ng mga kaibigan at pamilya at tiyak na unti-unti ay makakalimutan mo na siya.
Burahin sa isip – Ilagay mo sa iyong utak na ibinasura ka niya. Kaya hindi mo na rin siya dapat na pag-aksayahan ng panahon na isipin pa. Alisin mo na siya sa listahan ng iyong mga kaibigan sa facebook at sa iyong cell phone. Isipin mo na lang na maraming lalaki sa iyong paligid na karapat-dapat para sa’yo at bibigyan ka ng pagpapahalaga at pagmamahal. Kung kayo naman ang sadyang nakatakda para sa isa’t isa, babalik at babalik siya sa iyong buhay dahil hindi niya rin kayang mabuhay ng wala ka sa kanyang tabi.
Para mas makaya mong harapin ang sitwasyon, isipin mo na lang din na ang pakikipaghiwalay mo sa taong ito ay isang pangyayari para mas maging mabuti at matatag kang tao. Mas mabuti pa rin na makipaghiwalay sa isang taong hindi karapat-dapat sa’yo kaysa ipilit mo ang iyong sarili sa isang relasyon na wala naman hahantungan kundi pait ng kalooban.
- Latest