^

Para Malibang

Ingatan ang buhok sa pool chlorine at UV rays (1)

HEALTH CORNER - JC - Pang-masa

Kung isa ka sa maraming nawiwili sa pagswi-swimming lalo na ngayong summer, protektahan ang iyong buhok para healthy pa rin kahit panay ang paglublob sa pool at expose ito sa sikat ng araw.

Para maiwasan ang cells na nagpapatibay sa bawat hibla ng buhok o ang hair cuticle na nakakapagdulot ng tuyo at buhaghag na buhok, maglagay ng sun-proof spray sa iyong buhok. Maraming produkto ang mapagpipiliin ngayon sa pamilihan, na may SPF. Ito ang Sun Protection Factor, na nagsisilbing barrier sa pagitan ng buhok at ng skat ng araw.

Bukod sa ini-spray, ang iba pang produkto na may SPF ay maaaring conditioner o shampoo na dapat gamitin bago ka pa ma-expose sa araw. Inirerekomenda ang SPF level mula 8 hanggang 10.

Ikonsidera rin ang paggamit ng sumbrero kung inaasahan mong mabibilad ka ng ilang oras sa araw. Hindi lamang nito mapoprotektahan ang bawat hibla ng iyong buhok, kundi maging ang anit laban sa posibleng pagkasunog dahil sa sobrang init.

Makakatulong din kung mailulublob sa cold tap water ang buhok bago pa lumusong sa pool. Sa paliwanag ng mga expert, kung gaano karami ang tubig na walang halong chlorine ang maa-absorb ng iyong buhok, mas kokonti ang chlorine na posibleng manuot sa buhok mo. (Itutuloy)

 

ARAW

BUHOK

BUKOD

IKONSIDERA

INIREREKOMENDA

ITUTULOY

MAKAKATULONG

MARAMING

SUN PROTECTION FACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with