Vaginal moisture
Natural na mamasa-masa ang vagina para hindi magkiskisan ang magkabilang gilid kapag gumagalaw.
Ayon sa embarrassingproblems.com, medyo acidic ang moisture na ito para pangontra sa infection. Ang pagka-acidic ng moisture na ito ay sanhi ng good bacteria na nasa vagina na tumutulong para maging healthy ang ating private part.
Ang likidong sanhi ng pamamasa ng vagina ay galing sa cervix sa itaas na bahagi ng vagina. May mga vaginal discharge na normal.
Ibig sabihin lamang nito ay may mabagal na daloy ng moisture sa vagina para manatiling malinis ito dahil tinatanggal nito ang dead cells at mga tira sa menstrual period.
Karaniwang ang babae ay may discharge na 2 grams ng dead cells at 3 grams ng mucus sa vagina araw-araw.
Kapag na-e-excite sexually, may dalawang special glands sa entrance ng vagina na tinatawag na Bartholin’s glands ang nagkakaroon ng extra secretions. Ang moisture mula sa mga glands ay mas madulas kumpara sa moisture na nanggagaling sa cervix dahil ang purpose nito ay magbigay ng magandang lubrication sa intercourse.
- Latest