Premenstrual syndrome (1)
Nade-depress, balisa, tense, galit, irritable, apekÂtado sa lahat ng bagay, mood swings, nanlalata, tinatamad, walang gana, hindi makapag-concentrate, matakaw lalo na sa matamis, antukin o hindi makatulog, sensitive ang breast. Nakakaranas ka ba ng mga ito? Malamang magkakaroon ka na ng menstruation. Ang iba, mas malala pa ang kanilang sintomas ng premenstrual syndrome na nakakaapekto sa kanilang buhay. May mga hindi nakakapasok sa trabaho o sa eskuwela dahil sa sobrang sakit ng puson o sakit ng ulo o sakit ng balakang. Karaniwang nangyayari ito sa loob ng anim na araw bago ‘magkaroon.’ Ang masaklap nito, minsan ay mas lumalala pa ang mga nararamdamang ito kapag nagsimula na ang menstruation. Sa iba, pinakamalala ang premenstrual syndrome dalawang araw bago dumating ang ‘dalaw.’ At kapag nagsimula na ang ’bleeding’ ay gumaganda na ang pakiramdam. Pero kung minamalas, tumatagal ang premenstrual syndrome. Sa susunod na mga araw ay tatalakayin natin ang mga bagay-bagay tungkol sa premenstrual syndrome-- kung ano ang dahilan nito at kung ano ang puwedeng gawin.
Maraming nararamdaman ang mga babae kapag magkakaroon na sila. Hindi pa natutuklasan ang eksaktong dahilan ng premenstrual syndrome. Ngunit ang sigurado ay may kinalaman ito sa hormones, ayon sa embarrasssingproblems.com. Nagbabago kasi ang level ng mga hormones ng mga babae kapag ‘magkakaroon’ na nakakaapekto sa emosyon, mood at sistema ng katawan ng mga babae. Ang level ng progesterone at estrogen hormones ay nagbabago sa monthly cycle ng mga babae ngunit sa mga pagsasaliksik ng mga researchers, hindi nila matukoy kung alin sa dalawang hormone na ito ang responsible. Hindi naman nangangahulugan na may problema sa levels ng hormone. Nagkakaroon lang ng deperensiya kung papaano nagre-respond ang katawan at utak sa pagbabago ng levels ng hormone. (Itutuloy)
- Latest