^

Para Malibang

Erection problem ba o hindi? (1)

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Aminin man o hindi ng mga lalaki, karaniwan sa kanila ang magkaroon ng problema sa erection, ayaw lang nilang sabihin o aminin dahil nahihiya sila. Ang tanong: erection problem nga ba ito? Baka naman premature ejaculation lang o kaya naman ay kulang sa  sexual desire?  Narito ang mga tanong na ibinigay ng embarassingproblems.com na maaari niyong maging basehan para suriin kung kayo nga ay may erection problem?. Nagkakaroon ba ng erection sa pamamagitan ng masturbation pero hindi nagkakaerection sa partner? Nagigising ba na naka-attention si ‘manoy’?  Kung ang sagot sa mga tanong na ito ay oo, maaaring psychological ang dahilan ng problema kaya may problema sa erection. Maaaring ito ay sanhi ng stress o depression. Bigla bang nagkaroon ng problema sa erection o dahandahang nagkaroon ng diperensiya? Kung biglang nagkaroon ng erectile failure, kadalasan ay psychological ang dahilan; sa physical causes, dahan-dahan ang pagkakaroon ng problema sa erection.

Nai-stress ka ba? Gawan ng paraan ang stress. Kailangan ng stress management. May mga iniinom bang gamot na posibleng may epekto sa erection? Kung sa tingin niyo ay may kinalaman ang iniinom na gamot sa problema sa erection, komunsulta sa doctor at humi­ngi ng alternative.

Lasenggo ka ba?  Kung ang alkohol sa katawan ay 25 mg/100 mL lamang, makakatulong ito sa erection ngunit hindi na ito makakatulong kung nasa 40 mg/100 mL na ang alcohol sa katawan. Sa ibang tao, sapat na ang dalawang ;drinks’ para tumaas ang blood alcohol. Ang madalas na paglalasing ay magbubunga ng erectile failure paglaon dahil sa nerve damage.

AMININ

BIGLA

ERECTION

GAWAN

KAILANGAN

KUNG

LASENGGO

MAAARING

NAGIGISING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with