‘Bath issue’
Karaniwan sa marami ngayon ang pakiramdam ng panlalagkit sanhi ng madalas na pagpapawis dulot ng matinding alinsangan sa paligid. Hindi tuloy maiwasan na maligo nang higit sa isang beses ang marami para maging presko ang pakiramdam.
Pero may hindi iilan na hindi sang-ayon sa paliligo ng madalas. Dahil ang panandaliang ginhawa ay sinasabing magdudulot ng maaaring pangmatagalang problema. Sa paliwanag ng expert, ang napatunayang hindi magandang dulot ng pagligo ng madalas ay ang panunuyo ng balat. Dahil kapag panay ang pagbasa at pagsasabon dito, nawawala ang natural na proteksiyon nito. Ang natural oil kaya ang resulta ay matutuyo ang balat, na sa sandaling mangyari ay maaaring makaranas ng pangangati na posibleng maging daan para magsugat at pagmulan ng impeksiyon sa balat.
Kung sakaling may pangangati nang nararanasan, sa halip na kamutin ipinapayo ang paggamit ng calamine lotion o kaya’y magsadya sa inyong derma para mabigyan ng kaukulang itch cream.
Kung nagsugat na ang balat dahil sa hindi makontrol na pagkamot, makakatulong ang paglalagay ng ice pack sa bahaging apektado para mabawasan ang mainit na pakiramdam dulot ng nagsugat na balat. Ang basta na lang na pag-inom ng gamot para sa kati ay huwag na huwag gagawin dahil maaaring dagdag na panganib sa kalusugan ang idulot nito. Tiyakin na mula lamang sa professional health expert ang iinuming gamot. Bukod sa madalas na paliligo, kabilang din sa mga nakakapagpatuyo ng balat ang paggamit ng hot tubs at sauna. Ang mga huling nabanggit ay sinasabing may dobleng dulot na panunuyo kaysa karaniwang paraan ng pagligo.
- Latest