Boyfriend ko si kamatayan (13)
NANAIG ang galit ni Lezzy sa boyfriend. “Ano’ng sabi mo, ha? Mamamatay sa Linggo ang kaibigan kong si Lucille? Sino ka ba para sabihin ‘yan-- si God?â€
Umiling si Negro Angelo. “Hindi ako si God. Tauhan lang Niya ako. Napapag-utusan lamang.â€
“Tauhan ka ni God? Napakayabang mo! Hindi dapat ginagamit ang ngalan ni God sa masama, Negro Angelo!â€
“Hindi masama ang tapusin ang buhay ng nakatakda, Lezzy.â€
“Oh my God, give me a break! Kailan ba kita makakausap nang matino, ha? Kailan mo titigilan ang iyong black humor?â€
Hindi umimik si Negro Angelo, tumanaw sa kawalan—tinging lagusan. Tinatantiya na naman ang bagumbagong girlfriend.
“Negro Angelo, mahal na kita. Alam kong mahal mo na rin ako. Gawin nating maligaya ang bawat sandali natin—huwag ganitong lagi kang nagdadala ng masamang balita.â€
“Lezzy, ang tao ang may maling concept ng kamatayan. Dapat wine-welcome ang kamatayan. Ang Diyos ang nagtatakda kung kailan mamamatay ang tao. Para ibalik sa Kanyang kaharian.â€
“Ang alam ko’y hindi dapat nalalaman ng tao ang sakto niyang kamatayan. At iyon ang ginagawa mo, Negro Angelo—ang manligalig.â€
“Ako ang Kanyang executioner…â€
“Oh my God, gagawin mo pang terrorist si God?â€
“Mali. Ipinaha-harvest lang sa akin ang nakatakda. At ini-inform lang naman kita bilang girlfriend ko. Akala ko’y ituturing mong privilege.â€
“Pribilehiyo ko? Na malamang ang matalik kong kaibigang bading, who loves life so much, ay mamamatay sa Linggo?â€
Umiling si Negro Angelo. “You miss the point, Lezzy. Baka naman ‘ka ko matulungan mo pa siyang magpaÂkabait hanggang Linggo…para diretso siya sa Langit…â€
Nagtakip ng tenga si Lezzy. “Stop it! Ayoko nang marinig ang panliligalig mo!â€
Nagpakahinahon si Negro Angelo. “Pagkatapos ng Linggo, kung handa ka nang makinig sa katotohanan ng buhay ko, saka ako darating.â€
“Hindi kita mapapatawad kapag namatay si Lucille!â€
“Makikita mo, ako’y 8 feet tall-- horror ang mukha.â€
ITUTULOY
- Latest