Para makaiwas sa heat illnesses at heat rash...
Last Part
Sa panahon ng matinding tag-init, mahalaga na mapaÂnatiling hydrated ang sarili. Ugaliin ang pag-inom ng 8 ounce na bas ng tubig kada kalahating oras. Importante rin na huwag nang hintayin na mauhaw bago uminom ng tubig.
Ayon sa mga health care expert, kadalasan mas nagiÂging mapanganib ang pagdanas ng heat-related illnesses ang mga taong may matinding kaso ng dehydration, dumaranas ng chronic illnesses, maging ang mga nagda-diet, sumasailalim sa medikasyon o kaya’y may hindi magandang pisikal na kondisyon.
Ayon sa naturang pag-aaral, ang hindi agad nakikitang taba partikular sa bahagi ng atay at skeletal ang karaniwang tinatamaan ng pinsala dulot ng madalas na pagkonsumo ng soda. Bukod pa dito, ang sinasabing 11 porsiyentong pagtaas ng cholesterol sa katawan na kalaunan ay pinagmumulan din ng sakit, na magpapahirap sa inyong katawan.
Kaya bagaman mas masarap sa panlasa ng karamihan ang soda, piliin ang healthy option kapag nauuhaw— malinis na tubig ang inumin. Dahil hindi lang ito napatunayan na naglilinis ng toxins sa katawan, kundi nagpapalakas din ng puso, nagpapalakas ng mga buto at nagpapatatag sa immune system.
- Latest