Kapag 40 na si kuya...
May mga kalalakihang nagkakaroon ng problema pagdating sa kanilang itsura lalo na kung sila ay nagkakaedad na. Ang mga lalaking nasa edad mula 20’s – 30’s ay walang problema pagdating sa kanilang pag-aayos o pagporma. Sa survey, nagkakaroon lang ng problema ang mga lalaki sa kanilang pag-aayos sa oras na sila ay tumungtong ng edad 40 pataas. Marami sa mga lalaki ang hindi na maintindihan ang kanilang gagawin kung paano magmumukhang bata pa rin. Narito ang ilang paraan kung paano ka muling magmumukhang mas bata kumpara sa iyong tunay na edad.
Mag-“shave†– Ang malinis na mukha ay nakakapagpabata ng itsura. Kaya ang mga lalaking nasa edad 40’s pataas ay dapat na palaging mag-ahit ng kanilang bigote o balbas dahil nakakapagpatanda ng itsura ng tao kapag hindi siya malinis.
Gupit ng buhok – Ang lahat ng tao o lalaki ay mayroong gupit na babagay sa kanya. Ito ang dapat mong alamin sa isang mahusay na barbero. May taong binabagayan ng mahaba ang buhok, ngunit minsan ang mahabang buhok sa lalaki ay nakakatanda rin tingnan.
Magpakulay o mag-wig – Karamihan sa mga lalaking nasa 40-anyos na ay nagkakaroon na ng hair loss o pagkaubos ng buhok at unti-unti ng napapanot o nakakalbo. Kung sa tingin mo ay hindi na mapipigilan pa ang pagkalugas ng iyong buhok at hindi mo na ito mareremedyuhan, mas mabuti pa nga na magpakalbo ka na ng tuluyan. Kung hindi ka naman nakakalbo at napapansin mong dumarami na ang puti sa iyong buhok, makakabuti rin ang pagpapakulay nito gaya ng brown o di kaya ay itim. Maaari mo rin naman na panatilihin ang kulay ng iyong buhok hanggang sa maging kagaya ng buhok ng aktor na si Richard Gere.
Magdamit ng maayos at babagay sa’yo – Kung ikaw ay pumapasok sa trabaho, dapat na palagi kang maging presentable sa tuwing ikaw ay papasok sa iyong “work placeâ€. Piliin mo ang mga damit na makakapagpabata ng itsura mo upang maging “cool†ang iyong dating.
- Latest