Sa taong ayaw maging sikat...
Maraming tao, lalo na ang mga sikat ang minsan nagnanais din na magkaroon ng pribadong buhay o manahimik sa isang tabi o ‘yun tinatawag na maging “asocialâ€. Pero kung gusto mong maging “asocialâ€, narito ang ilang paraan:
Ibaba ang iyong popularidad – Napakahirap gawin nito, lalo na kung sanay ka ng maging sikat at sosyal. Ito ay dahil maraming tao pa rin ang nais na kumausap sa’yo. Ngunit kung gusto mo talaga na bumababa ang iyong kasikatan, dapat kang tumahimik sumandali at huwag makipag-usap kahit na kanino. Pero, hindi mo rin naman kailangan na maging irritable sa mga taong nakapaligid sa’yo para lang layuan ka nila.
Huwag makipagkuwentuhan/ makipag-usap – Hindi naman ibig sabihin nito ay hindi ka na magsasalita, maaari mo lang limitahan ang iyong sarili sa pakikipagkuwentuhan sa maraming tao ng matagal na oras. Kung may magbibiro man sa’yo, puwede ka naman ngumiti ng sandali, ngunit iwasan ang makipagbiruan ng tuluy-tuloy. Maaari kang gumamit ng mga gadget para mai-isolate ang iyong sarili sa karamihan, gaya ng headphone para makinig ka na lang ng music at hindi madinig ang mga kuwentuhan ng nasa iyong paligid.
Matulog – Ito ang pinakaepektibong paraan para ikaw ay hindi makausap ng mga tao dahil sa oras na makita ka nilang tulog, tiyak na walang lalapit sa’yo.
- Latest
















