Kapalaran sa Oras ng Kapanganakan (12)
Birth Month: DECEMBER, JANUARY, FEBRUARY
Oras ng kapanganakan:
11 PM to 1 AM—Karamihan ay biniyayaan sila ng magandang boses kaya mahilig kumanta. Isa pang hilig nila ay magpa-party o umatend ng party. May maunlad at mahabang buhay. Mas mainam na magbigay ng tulong sa mga charitable institution pagsapit ng middle age (45 to 65) upang mas umunlad ang buhay habang nagkakaedad.
1 AM to 3 AM—Mararanasan ang paghihirap sa buhay sa middle age. Gumawa ng kabutihan sa kapwa o tumulong sa mga charitable institutions upang ang masamang kapalaran ay hindi magkatotoo.
3 AM to 5 AM—Magiging maganda at maunlad ang buhay kahit sa pagtanda kung ang pamilya ay may dati nang negosyo. Tatanda ka na kasama ang taong inibig mo nang buong puso.
- Latest






















