^

Para Malibang

From Kuala Lumpur with love (12)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“G-GERALDINE, may problema,” namumutlang sabi ni Jayson. Huminto muna sila sa paglalakad sa main road ng Kuala Lumpur.

Kinabahan ang dalaga. “A-ano…?”

“Tingnan mo.” Itinuro ni Jayson ang nasa harapan nila, sa concrete sidewalk ng pamosong capital ng Malaysia. Mainit ang sikat ng araw, alas-dos ng hapon. “H-huwag ka sanang matakot.”

Napalunok si Geraldine. Bumalatay sa mukha ang sindak.

“Geraldine, nakikita mo ba ang kaibahan natin?”

“Oo…wala na akong anino.”

“Tama. Pero bakit wala na ang sabi mo? Dapat ay laging merong anino  kapag nasa arawan.”

Napaluha na ang dalaga. “M-may mga bagay na kayhirap ibahagi sa ibang tao, Jayson…”

“I’m a friend, huwag mo akong ituring na ibang tao.”

“Paikli na ang pag-stay ko dito sa KL, oh my God.”

“What? Akala ko’y magtatagal ka pa, Geraldine? Di ba maghahanap ka pa ng bagong trabaho dito?”

Umiiling ang dalaga.

“Is that a Yes or a No?”

“Hindi  trabaho, ang hinahanap ko nga’y katarungan.”

“Bakit ayaw mo ngang sabihin sa akin kung ano? Katarungan para sa ano, Geraldine?”

Tumanaw sa malayo ang dalagang Pinay. “Nasa Sabah ang dahilan ng lahat kong pagdurusa ngayon…”

“Stop talking in parables, please. Detalyehin mo.”

“Nasa malalim na bahagi ng dagat ang katotohanan.”

“Geraldine, liwanagin mo. Tutulungan kita, trust me.” Nakikiusap na halos si Jayson.

“Wala na akong anino… bakit napakabilis ng panahon?”  Lalong bumalong ang luha ng dalaga.

Si Jayson ay napakarami nang nais tanong. Bakit hindi kumakain si Geraldine? Bakit iisa ang damit nito?  Bakit walang dalang handbag?

At ngayon—bakit walang anino ang dalagang ito?

“Gusto ko nang magbalik sa hotel, please.”

“Geraldine, pinakamahiwaga ka sa lahat kong nakilala.”

ITUTULOY

 

BAKIT

BUMALATAY

DAPAT

DETALYEHIN

GERALDINE

JAYSON

KUALA LUMPUR

NASA SABAH

SI JAYSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with