^

Para Malibang

From Kuala Lumpur with Love (1)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

EXCITED na kinakabahan si Jayson habang pasakay na ng international flight. Patungo siya sa Kuala Lumpur for a 5-day business-leisure trip. Siya ang kinatawan ng kanilang advertizing agency sa pamosong capital ng Malaysia.

Binatang makisig si Jayson, 23, pangalawang pangingibang-bansa niya ito; ang una’y sa Hong Kong, noong isang taon.

Halos doble ang layo ng Kuala Lumpur mula Manila kumpara sa Hong Kong flight. Kaya nga medyo kinakabahan si Jayson—alam na ang 90 percent ng paglipad ay sa ibabaw ng karagatan.

Nasa window seat siya, nakatanaw sa mga ulap sa ibaba sa taas nilang 32,000 feet.

Ang malikot na diwa ni Jayson ay naglalakbay, kung anu-ano ang naiisip. “Napakaraming parts ng eroplanong ito, isa lang ang magluko ay posible nang magpabagsak sa amin.”

Ngayon naisip ni Jayson na ang buhay nilang lahat sa eroplano ay nakadepende sa galing ng piloto at sa patnubay ng Diyos.

Bigla niyang na-appreciate ang land travel. Mas may pag-asang  mabuhay kapag sakay ng kotse. Makahihinto sa roadside o kahit sa gitna ng kalye ang nasiraang sasakyan.    

“Dito sa eroplano, kapag nasiraan ay hindi puwedeng tumigil sa mid-air; tiyak ang plane crash, malabong may mabubuhay.”       

Maliwanag pa ang araw, panay ang kuha ni Jayson sa mga ulap gamit ang professional camera.     

Sumasalit pa rin ang malikot na isip. “Ano kaya at makakita ako ng anghel na nakaupo sa clouds?  Wow, tiyak na mamamangha ang lahat kapag nakunan ko!”

Wala naman siyang nakitang kakatwa sa mga ulap. Nagpalipas na lang siya ng oras sa pag-o-observe sa mga kasakay. Nakipagpalit siya ng upuan sa katabi; siya ang naupo sa tabi ng aisle.

Maluwag ang eroplano, maraming bakanteng upuan. Na-memorize niya ang anyo ng mga nasa unahan niya.

Makaraan pa ang halos apat na oras, nag-announce na ang kapitan.

“Ladies and gentlemen, we are now about to land in Kuala Lumpur international airport. Fasten your seatbelts…”

Noon napansin ni Jayson ang magandang babaing nakaupo sa gawing harapan niya. “Nalingat ba ako? I swear wala siya kanina.” ITUTULOY

         

ANO

BIGLA

BINATANG

DITO

HONG KONG

JAYSON

KUALA LUMPUR

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with