‘Sinner or saint? (22)’
BINABA ni Generoso ang mga nakaharang sa daan. “Corazon, Nanang, Mang Juan—p-paano kayo nabuhay muli?â€
Si Corazon ang ‘sumagot’—sign language actually, mga senyas lamang ng kamay.
Sabi nito’y pinababa sila ng Langit—para iligtas sa kamatayan si Generoso; mamamatay daw ito kapag hindi sumuko sa mga pulis; mababaril nang walang kalaban-laban…
“Oh God…hindi ba puwedeng paliwanagan n’yo ang mga tumutugis sa akin? Sabihin n’yong ang pinatay ko’y ‘yung wala nang pag-asa.â€
Huli na ang pakiusap ni Generoso, nakalapit na ang mga alagad ng batas. “Sumuko ka nang mapayapa! Ibaba ang sandata!â€
“Officers, hindi ako masamang tao! Patutunayan sa inyo ng mga kaibigan kong—†Napahinto si Generoso sa sasabihin, naunawaang naglaho na ang mga taga-kabilang buhay.
Sumuko siya nang mahinahon. Napapailing.
“May karapatan kang manahimik. Anumang sasabihin mo’y maaring gamitin laban sa iyo. Kung wala kang abugado, may abugado ang pamahalaan na aasiste sa iyo…†sabi ng arresting officer habang pasakay na sila sa police car.
Tinanaw ni Generoso ang saktong lugar na kinakitaan sa mga nagmulto. Wala na talaga doon sina Corazon, Mang Juan at iba pa. Wala na rin ang mga aso at pusa.
Isinigaw niya ang sama ng loob. “CORAZON, MANG JUAN, LAHAT KAYONG TINULUÂNGAN KONG MAMATAY! WALA KAYONG UTANG NA LOOB!â€
Dinig iyon ng mga pulis. Nagkakatinginan ang mga ito.
Matapos dumaan sa presinto, itinuloy na sa deÂtenÂtion cell si Generoso. Multiple first degree murder ang ikinaso sa kanya, walang piyansa.
Alam ni Generoso, mabubulok siya sa bilangguan.
Dinalaw siya ng kaÂtiwala. Binilinan niya ito nang husto. “Ituloy mo ang pagpapakain sa mga nagugutom na pusa at aso, Poldo. Kumuha ka sa budget. Maawa ka sa kanila.â€
“May puso naman po ako talaga sa mga ligaw na hayop sa lansangan, Sir Generoso. Maaasahan n’yo po.â€
HATINGGABI, naÂgisnan ni Generoso na may katabi siyang napakatandang lalaki. Napaigtad siya.
(TATAPUSIN)
- Latest