Para guminhawa kung may sinus headaches
Karaniwang nagdudulot ng pananamlay na may kasamang pananakit sa bahagi ng mukha at ulo ang sinus headaches, sanhi ito ng pamamaga ng sinus. Ang pagsandal o pagyukod ay kadalasang nakapagpapalala sa hindi komportableng pakiramdam.
Sa maraming kaso ng kondisyong ito, naoobÂserbahan na karaniwang nagsisimula sa umaga ang sinus headache at pagsapit ng hapon ay nagiging mas maigi na ang pakiramdam. Maaaring ikonsidera ang mga sumusunod na rekomendasyon ng mga health care expert para guminhawa ang pakiramdam kung dumaranas ng sinus headache:
Karaniwang ang pagbibigay ng preskripsyon ng mga expert para sa pamamaga ng sinus. Kung hinihinalang dulot ng bacteria ang impeksiyon dito, karaniwan ang paghatol ng antibiotic sa pasyente. Bukod dito may mga gamot din na maaaring ibigay ng inyong doctor para mabawasan ang pamamaga sa ilong o makaramdam ng ginhawa kung may runny nose, panay ang bahing at pangangati sa mga bahaging apektado ng sinus headaches. Ilan dito ang antihistamine o decongestant, hingin ang tamang kaunay dito sa inyong pinagkakatiwalaang doctor.
May kaugnay na adjustment din sa inyong diet o ang pagdaragdag ng nutritonal supplement na makakatulong para mapabuti ang pakiramdam kung may sinus headaches. Ayon sa mga expert ang pagkonsmo ng probiotics o mga pagkain na may friendly bacteria gaya ng nasa yogurt at iba pang mga pagkain. Ang bromelain, isang enzyme na makukuha sa pineapples ay makakatulong para mabawasan ang pamamaga. (Itutuloy)
- Latest