^

Para Malibang

‘Sinner or saint? (9)’

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

Kumaway pa kay Generoso si Nanang bago ito tuluyang nawalang parang bula. Sa diwa ng mayamang binata, nadinig pa niya ang sound effect ng paglalaho nito: POP!

Muling nakadama ng masarap na pakiramdam si Generoso; feeling hero na naman. “Gustung-gusto nilang pinapatay ko sila!”

Naisip niyang siya ay may espesyal na misyon sa mundo—ang tulungang makarating agad sa Langit ang mga wala nang lunas;  ‘yung naghihintay na lang ng kamatayan.

Nagtalumpati si Generoso sa harap ng salamin. “Sa susunod na pagsubok, wala nang dapat maghirap na matatanda at mga bata—kasama pati mga hayop.  Panahon na para ako maging kapakipakinabang sa mga dapat nang mamatay…Ako po si Generoso.”

Pakiramdam niya’y kasing dakila ang misyon niya sa advocacy laban sa climate change ng isang senadora.             

NAGPATULOY ang ‘misyon’ ni Generoso. Nagpapakain siya ng mga aso at pusang kalye na gutom at super payat. Tinatapos niya ang paghihirap ng mga ito kapag tapos nang pakainin.

Dito ay katulong niya bilang alalay ang personal driver.

Medyo dinagdagan ni Generoso ang ‘serbisyo’ sa mga hayop na sinisentensiyahan. Hindi na siya gumagamit ng baril at tipak ng bato. Lethal injection na ang paraan niya ng pagpatay. At inilalagay na niya ang mga ito sa sako saka palihim na dinadala sa tambakan ng basura.

Galit na galit ang mga basurero dahil napapa­sama ang sako ng patay na hayop sa mga di-nabubulok na bagay. Sa segregation scheme ay kanya-kanyang araw ng pag-pick up ang mga Nabubulok at Di-Nabubulok. Nagpipikit ng mata si Mang Poldo kapag pinapatay na ni Generoso ang mga hayop. Suweldo lang ang habol nito sa binatang mayaman.

May mga araw na tatlong hayop ang pinapakain at pinapatay ni Generoso. “Awang-awa ako du’n sa huli kong ininiksyunan, Poldo.”

“Yun pong asong itim, ser?”

 â€œOo, tinitigan ako, parang ayaw pa niyang mamatay.” Solo-solo pa rin si Generoso kapag pumapatay ng mga taong nais nang mamatay at dapat nang mamatay. Ang mga ‘dapat nang mamatay’ ay base lamang sa personal na pananaw ng binatang ito. 

Ang tawag niya sa sarili ay Berdugong Maawain.

ITUTULOY

 

 

AWANG

BERDUGONG MAAWAIN

DI-NABUBULOK

GENEROSO

MANG POLDO

NANG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with