^

Para Malibang

Diet may kinalaman sa depression? (Last Part)

HEALTH CORNER - JC -

Ang Vitamin B6 naman ay tumutulong para mapa­natili ang malusog at balanseng hormones, habang ang Vitamin C ay nagpapalakas ng immune system.

Ang omega-3 fatty acids na makukuha sa sal­mon, tuna at iba pang uri ng seafood, mabeberdeng dahon ng gulay at iba pang oils na pinaniniwalaang mahalaga para sa malusog na paggana ng isip. Sa ibayo pang pag-aaral, sinasabing naniniwala ang mga scientist na ang mababang level ng omega-3 ay nagpapataas sa pagiging prone ng isang tao sa dep­ression. 

Gayunman, sa mas mahalaga ang napag-alaman sa pinakabagong pag-aaral kung saan sinasabing ang mga sumusunod sa Mediterranean-type diet kung saan sagana sa pagkain ng prutas, mga gulay, whole grains, mani, seafood at monounsaturated fats gaya ng olive oil ay lumalabas na may 30 porsiyento na makakalayo sa pagdanas ng depression.

Kinakikitaan ng merito ng maraming expert ang research na ito dahil sa naunang pag-aaral kung saan sinasabing ang diet at depression ay nakatuon sa partikular na food groups kaysa sa diet bilang kabuuan.

Kabilang din sa matibay na pinanghahawakan ng mga expert kaugnay sa nasabing diet ay ang mababang kaso ng depression sa Mediterranean countries kumpara sa iba pang bahagi ng mundo.

Kasalungat naman nito ang ipinapakita ng pag-aaral tungkol sa Western diet, na kadalasan ay mataas sa saturated fats, gayundin ang refined at processed foods, na maaaring makapagpataas sa kaso ng depression sa 50 porsiyento.

Sa mga nasabing mga pag-aaral, makikita ang kahalagahan ng pag-iwas sa mga hindi masustansiyang pagkain na magpapababa sa nutrisyong dapat sana ay makuha ng inyong katawan, na makakaapekto sa inyong blood sugar at makapagdudulot ng depression.

Iniuugnay din sa depression ang mataas na pagkonsumo rin ng caffeine, gayundin ang anxiety bukod pa ang posibleng paglala kung may insomia.

Tinukoy din na ang mataas na pagkonsumo ng refined sugar, sobrang pag-inom ng kape, soda at energy drinks at tsitsirya ay may kaugnayan sa depression.

 

ANG VITAMIN

DEPRESSION

GAYUNMAN

INIUUGNAY

KABILANG

KASALUNGAT

PAG

VITAMIN C

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with