‘The rainbow (25)’
“OH MY GOD! Narito nga sila!†bulalas ni William, napahaÂgulhol sa tuwa. “S-sa dulo ng bahaghari!â€
“Sinong…sila?†taÂnong ni Donna, naÂnaÂnatiling walang multong nakikita kahit pa naniniwala na.
“Sina Tamara at MilÂdred, narito ang aÂking mag-ina…†BuÂmabalong ang luha ni William. “Magkasama silang maligaya…â€
Nakadama ng kiÂlaÂbot si Donna. Nasa preÂsencia pala siya ng dalawang nagmamahal sa biyudong nais naÂman niyang mahalin?
Welcome kaya siya sa dalawang ito?
Nakita niyang nilaÂpitan ni William ang di-kalayuang distansiya; nadinig ang sinabi nito.
Naroon sina Mildred at Tamara, naunawaan ni Donna. Patuloy ang mahinang ulan, nanatili ang kakaibang rainbow.
“Mildred, Tamara…mahal na mahal ko kayo…â€
Hindi naririnig ni Donna ang sagot ng mag-ina, kung meron man.
Meron ngang sagot kay William. “Willy, mahal na mahal din kita. Payapa kami ng anak mo. Magpatuloy ka sa buhay mo.â€
“Daddy, nakakasama ko rin po ang ibang bata. I’m fine. Magkasama kami ni Mommy…â€
Nakita ni Donna, yumakap si William sa haÂngin; hindi alam na tunay na nayayakap ng guwapong biyudo ang mag-ina nito.
Mahigpit na yakap sa maiinit na katawan; hindi sa malausok na anyo.
Tumagal ng labinlimang segundo ang pagyayaÂkapan. Lunod sa ligaya si William. “Hu-hu-hu-huuu. I love you, guys.â€
Mayamaya’y nakita ng magandang biyuda na kumakaway na sa hangin si William, sagisag ng pamamaalam. “Godspeed.â€
Hindi nagtagal, aliwalas ang mukhang nagbalik sa kinaroroonan ni Donna si William. “Donna, nakita mo na rin sila?â€
Umiling ang babae. “Hindi pa rin. Pero naniniwala akong nagkita na kayo ng mag-ina mo.â€
Tumango si William. “Tama si Father, mula ng alisin ko ang negatibong hinala, mula ng tinanggap kong nasa sinapupunan na sila ng Diyos, saka ko sila nakita…They are happy with the Lord, Donna.â€
Hinagap ni William ang kamay ng biyuda. Hindi tumutol ang huli.
Wala na ang rainbow. May pangako na ng bagong ligaya. WAKAS
(Up Next: Sinner or Saint?)
- Latest