‘The rainbow (24)’
“NAUNAWAAN mo ba ang sabi ko, Willy? Matuto kang tanggapin ang kalooban ng Diyos. Kalimutan mo ang negatibong hinala kay Mildred. Wala siÂyang kapangyarihang pakialaman ang destiny ni Tamara.†Mahaba ang dagdag na payo ni Father Jayson.
Nagsumiksik sa diÂwa ni William ang baÂnal na pananaw ng alagad ng Diyos. NaÂpabuntunghininga siya.
Nakaunawa. Bakit nga ba ipinipilit niyang ipinahamak ni Mildred ang kanilang anak? Di ba noong nabubuhay pa ang misis, kapaÂngapangarapan nitong maging matagumpay na doktora si Tamara?
Para daw makapagÂlingkod sa mga maysakit. Dakila ang paÂngarap ni Mildred sa nag-iisa nilang anak.
Hindi kailanman hahangarin ni Mildred na maÂmatay nang maaga ang matalino at magandang bata.
At di ba hanggang sa huling araw ni Mildred sa mundo, naging ulirang asawa at ina ito sa kanila ni Tamara?
“Mildred, what have I done to you? Napakasama kong mister…†sa sarili ay nausal ni William, labis na nagi-guilty.
“William, I must go now. Pag-aralan mo ang payo ko, sundin mo dahil nararapat. Alayan mo ng dasal para sa kaluluwa ang iyong mag-ina.â€
Tumango ang nagluluksang biyudo. “Opo, Father. Salamat.â€
“You may continue chasing rainbows, Willy. Walang masama doon.â€
Tumango si William, nakangiti. “You bet I will, Father.â€
Natuwa sa nangyari si Donna. “See? KinailaÂngan pang matalinong pari ang magpayo sa iyo. Tampung-tampo na siguro sa iyo si Mildred.â€
“Nasa patnubay na siya ng Diyos, sila ni Tamara, feel ko.â€
“Good. Positibo ka na ngayon, William.â€
TATLONG araw ang lumipas. Magdi-dinner date sina Donna at William nang surpresahin sila ng Langit.
Umulan nang hapon na iyon, nagkaroon ng rainbow.
“William, parang sa sementeryo nakatapat ang dulo.â€
Sa sementeryo nga, more or less, natiyak nina William. Tinugis nila ang malapit na bahaghari hanggang sa marating nila ang libingan.
“Dito nakahimlay ang aking mag-ina, Donna. Banda roon.â€
“I know, nakipaglibing ako noon remember?â€
Si William lamang ang nakakita sa mga multo. “Oh my God, narito sila!†(TATAPUSIN)
- Latest