‘The Rainbow (21)’
NAPAPAILING si William. “Hindi ko maintindihan, Donna. Nakikita ko ang anak-anak ng mga magulang na namatayan. Nakikita rin ng mga magulang ang kanikanilang anak, pati si Tamara. Ako’y hindi ko makita ang aking anak. Bakit gano’n?â€
Umiling si Donna. “Wala akong masabi, William. Ako’y wala talagang nakikitang mga multo…â€
“This is weird. May dahilan kumbakit hindi ko nakikita ang aking anak. Hindi ko nga lang alam kung ano.†“Ako naman, nagtataka kumbakit kahit isang multo dito sa playground ay wala akong makita…â€
“Baka naman dahil wala kang namatay na anak, Donna. Hindi para sa lahat ng tao ang kababalaghang nagaganap right now.â€
Tumangu-tango ang biyuda. “Siguro nga.†Si William ang hindi makaisip ng dahilan, kumbakit nga hindi niya nakikita ang multo ng anak. “Galit ba sa akin si Tamara kaya hindi nagpapaÂkita sa’kin?â€
“Mahal ka ng anak mo, William, iyon ang sabi mo.†“Mahal na mahal talaga ako ni Tamara, laluna nang mamatay ang mommy niya,†napapailing na sabi ni William.
“Then wala kay Tamara ang dahilan,†sabi ni Donna. “Baka binabawalan ni Mildred. Bina-block siguro niya, gaya sa nangyayari sa ilang Facebook account.â€
Nabahala si Donna. “Paano kung walang kinalaman si Mildred? Baka nagiging malupit ka na sa namatay mong misis?â€
“Mahal na mahal ni Mildred ang anak namin. Hindi imposibleng isinama niya agad sa Langit si Tamara.â€
“Hindi Diyos si Mildred, William. Diyos lamang ang may karapatang bumawi ng buhay.â€
“Kung gano’n, hindi si Mildred ang nagba-block sa pagkikita naming mag-ama. Hindi ko nakikita si Tamara dahil may ibang dahilan.â€
Balik sila sa unang tanong: sino o ano ang humahadlang sa pagkikita ng multong anak at ng amang mortal?
“Hindi mo pa rin ba nakikita si Tamara sa mga nagmumulto, William?†Nakatingin silang dalawa sa playground.
Umiling ang ama, nawawalan na ng pag-asa. (ITUTULOY)
- Latest