‘Art of letting go’
Dear Vanezza,
I’m Carmie, 41, separada. Nais ko sanang ibahagi sa iyong pitak ang aking naging karanasan sa aking boyfriend. Minahal ko siya ng husto kahit may-asawa siya. Halos isang taon din kaming naging mag-on. Kaya lang hindi na namin inabot ang aming anibersaryo dahil inamin niya lahat sa akin ang tungkol sa isang babae na matagal ko ng pinaghihinalaang karelasyon din niya. Nasaktan ako ng sobra dahil mas pinili niya ang babaeng ‘yun kaysa sa akin. Noong una, pakiramdam ko ay guguho ang aking buong pagkatao sa aking narinig at nais kong umiyak sa kanyang harapan, kaya lang mas ipinakita ko sa kanya ang aking katatagan at ang pagiging matured. Sa ngayon, kahit nasasaktan ako ay patuloy kong nilalabanan ang aking sarili at pilit na sinasabi sa aking sarili na kaya kong mag-move-on. Tinitingnan ko na lang siya bilang isang walang kuwentang tao, para hindi na muling mahulog at masaktan. Inalok niya akong maging magkaibigan, ngunit hindi ko ito tinanggap dahil alam kong babalik pa rin kami sa pagkakaroon ng relasyon at alam kong masasaktan ako, knowing na mas pinili niya ang iba kaysa sa akin. Ngayon, I feel that I’m more matured and stronger enough to handle my situation. One thing I’ve learned, you need to love yourself more than anyone, para di ka masaktan at pahalagahan ang taong nagpapahalaga sa’yo. Sana ay kinapulutan ng aral ang aking karanasan.
Dear Carmie,
Malaking aral sa mga broken-hearted ang iyong kasaysayan. Tama ang iyong ginawa, tinulungan mo ang iyong sarili na makawala sa isang sitwasyon na puro sakit lang ng damdamin ang iyong mapapala. Hangad ko ang iyong kaligayahan at pagtatagumpay sa buhay .
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest