‘The Rainbow (10)’
SI DONNA, habang hinahagkan ni William sa mga labi ay hindi malaman ang gagawin. Napagkamalan siya ni William na ang yumaong misis nito—si Mildred.
Tuliro si Donna. Itutulak ba niya o kakaÂbigin ang guwapong bagong biyudo? May pagtingin pa naman siya dito.
Itinulak niya, naÂnaig ang katinuan kahit pa nga uhaw na sa pagmamahal. “Ummm!â€
Sinampal niya si William. Pak. Pakk.
May kasama pang mura. “Bastos! Walanghiya!â€
Saka lamang natauhan si William, gulat na gulat nang makilala ang magandang biyuda. “Oh my God, Donna! A-akala ko’y dinalaw ako ni Mildred! Napagkamalan kitang si Mildred!â€
“Hu-hu-huu. Pinagtiwalaan kita, hindi ako dapat nabastos nang ganito, William…â€
“Donna, I’m really sorry, naalimpungatan ako. Si Mildred ang nakita ko sa iyong anyo.â€
“Sinungaling, napakalayo ng hitsura namin ni Mildred. Sinamantala mo talaga ako. Nauhaw ka ba at ako ang iyong binalingan?â€
Nagpakatanggi-tanggi si William. “Saksi ko ang anak kong nakaburol sa labas, hindi ako nag-take advantage sa iyo, Donna. Iginagalang kita…â€
“Kukunin ko ito sa paligo, William. Hindi ako magpapakamatay dahil lang nahalikan mo ako. Pero mula ngayon—ayoko nang lumapit sa ‘yo.â€
May naalalang ipaliwanag sa bagong biyudo. “By the way, baka magtaka ka kumbakit narito ako sa room habang natutulog ka. Wala lang, nagmalasakit ako sa iyo. Hinubaran kita ng sapatos, pinaypayan para hindi ka lamukin. Walang malisya sa puso ko, pagdamay lang sa bagong naulila.â€, Napalunok si William, nakadama ng dobleng hiya. Paano ba para mapayapa niya ang naagrabyadong kapitbahay?
“Donna, babawi ako sa kagandahang-loob mo, pagkalibing na pagkalibing ng anak ko…Kung ano ang parusa sa p-pagkakahalik ko sa iyo nang di-sinasadya, handa kong tanggapin…â€
Napailing si Donna. “Magpahinga ka uli. Kulang ka sa tulog kaya kung anu-ano ang nagagawa mo…â€
“Ang tiyak kong gagawin—hahanapin ko ang dulo ng bahaghari.†(ITUTULOY)
- Latest