‘Mouth ulcer’ Last Part
Ilan sa mga rekomendasyon sa mga may kaso ng mouth ulcer ay ang pagkakaroon ng strict oral hygiene para maremedyuhan ang mga nasabing sintomas ng kirot sa bibig.
Kung kinakailangan, nagbibigay din ng mga pamahid para mapahupa ang epekto ng impeksiyon sa sugat.
Ipinapayo ang pag-iwas sa mga maiinit o maaanghang na pagkain, na kadalasan nakapagpapatindi sa kirot ng mouth ulcer.
Ang mouth ulcer ay hindi dapat ipagwalang-bahala dahil maaari umabot ito sa pagkakaroon ng komplikasyon. Ilan sa mga ito ay ang tinatawag na cellulitis sa bibig o secondary bacterial infection ng ulcer, pwede rin ang dental infection kung saan nagkakaroon ng pagnana sa ngipin, oral cancer at ang panganib na maaipasa sa iba ang disorder na ito.
Pinakaepektibong hakbang na maituturin para makaiwas sa mouth ulcer ay ang pagkakaroon ng good oral hygiene.
- Latest