ALAM N’YO BA?
Alam n’yo ba na ang kauna-unahang pinoy na nakasakay sa eroplano ay si Gagaban? Siya ay isang Igorot at pinuno ng isang tribo. Sumakay siya sa isang Red Devil biplane kasama ang isang American pilot na si Lee Hammond
noong Pebrero 12, 1912. Maraming historians ngayon ang naniniwala na hindi sa Limasawa Island sa Leyte del Sur ginanap ang kaunaunahang misa sa Pilipinas kundi sa Masao sa Butuan Bay, Agusan del Norte. Ang matagal ng pagkakamaling ito ay naitama matapos na madiskubre ang English translation ng isinulat ni Antonio Pigafetta hinggil sa huling salitang “li” na maraming nag-akalang ito ay
Limasawa, ngunit ito pala ay salitang kasama sa Mazzaua o orihinal na pangalan ng Masao.
Ang sibuyas, mansanas at patatas ay iisa lang ang lasa, nagkakaiba-iba lang ito sa amoy.
Ang mga Amerikano ay nakakaubos ng 22 libra ng kamatis kada taon. Ang mga native Americans ay hindi talaga kumakain ng turkey, pinapatay o
kinakatay lang nila ito dahil sa pagiging tamad.
- Latest