^

Para Malibang

Tukuyin ang ‘Cancer’

The Philippine Star

Ang cancer ang numero unong sakit na kinatatakutan ng sinuman. Iilan lang ang mapalad na nakaliligtas dito. Kaya naman maraming  natatakot sa sakit na ito dahil wala itong sintomas. Magugulat ka na lang dahil hahatulan ka na ng doctor na mabubuhay na lang ng ilang taon o buwan. Ngunit may paraan naman para agad na matukoy ito sa pamamagitan ng ilang pagsusuri.

Skin Exam –  Ang sintomas ng skin cancer ay ang pagkakaroon ng iba’t-ibang uri ng nunal, hindi pantay na kulay ng balat, pagkakaroon ng sugat na hindi nahihilom at iba. Ito ang mga unang sintomas ng cancer na ito. Kung napapansin mong nagkakaroon ka nito sa iyong balat, agad na magpatingin sa doctor para ito ay maagapan at maisalba ang iyong buhay.

Colon/ Rectum Exam – Ang cancer na ito ay karaniwang tumatama sa mga kalalakihang may edad na 50-anyos.  Mapapansin mong ang iyong dumi ay may halong dugo. Para maiwasan ito, agad na magsagawa ng taunang pagpapasuri ng iyong dumi. Dito pa lang ay magsasagawa na ang iyong doctor ng iba pang pagsusuri gaya ng rectal examination kung saan isusuot ng doctor ang kanyang daliri sa loob ng iyong puwet para makapa kung may tumutubong bukol sa loob nito.

Mouth Exam – Kung napapansin mong nagkakaroon ka ng hindi maipaliwanag na sugat sa iyong labi, loob ng bibig, gilagid at dila, agad na kumonsulta sa doctor dahil palatandaan ito ng cancer. Mas malaki ang posibilidad na magkaroon nito ang mga taong naninigarilyo.

DITO

IILAN

IYONG

KAYA

MAGUGULAT

MAPAPANSIN

MOUTH EXAM

RECTUM EXAM

SKIN EXAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with