GHOST LAKE (22)
TATLO silang nasa pusod ng lawa ng Camachile—sina Paolo. Dolores at Miss Santos. Hubo’t hubad sila, himalang nakatatagal sa ilalim ng tubig kahit walang diving apparatus.
Naroon sila para hanapin ang katotohanan; kumbakit may mga nagmumultong kabaong sa lawa.
Si Paolong makabayan ang nauunang lumalangoy underwater, kasunod sina Dolores at Miss Santos. Ang huli ay dalagang reporter.
Naiilang sa kahubaran ni Paolo si Miss Santos. Siya pala ang nagkakamalisya kay Paolo, hindi maiwasang masulyapan ang maselang bahagi ng binatang guwapo.
“Oh my gray shoes! Nagkakasala ang mga mata ko at isip! This is crazy!” sa loob-loob ni Miss Santos.
Si Dolores ay hindi kakikitaan ng malisya. Naka-focus ang misteryosang dalaga sa paglalantad ng katotohanan.
Itinuro niya kina Paolo at Miss Santos ang hinahanap. Doon sila gumawi ng langoy.
Nanggilalas si Miss Santos. “Mga kabaong na may mga bangkay ng babae ang narito sa pusod ng lake! My God, ano’ng ibig sabihin nito?”
Walang underwater camera si Miss Santos, nanghinayang ang lady reporter na hindi pala makukunan ng larawan ang hiwagang nasa pusod ng lawa.
“Intact ang mga bangkay, magagandang babae. Ni-rape ba sila o basta minarder sa iba’t ibang kadahilanan? Nagkaroon ba ng masaker at dito itinago ang mga pinatay?” Patuloy ang pagtatanong ni Miss Santos, sa isipan, sa sarili lamang.
Sumenyas na siya kina Dolores at Paolo, dapat na raw silang pumaibabaw sa tubig. Nangangapos na ang kanyang hininga.
This time ay hindi na inintindi ng magandang reporter na siya ang nauuna kay Paolo. Nawala sa isip na makikitaan siya ng lahat-lahat ng binatang makabayan.
Hindi naman matiis ni Paolo na huwag tumingin sa kabuuan ni Miss Santos habang paibabaw na silang tatlo.
Siniko siya ni Dolores, tinaliman din ng tingin.
Pinigil ni Paolo ang pagdaloy ng tukso. Iniwasan nang magkamalisya.
“Halpss. Kaahh.” Suminghap agad si Miss Santos paglitaw na paglitaw ng ulo sa tubig, sumagap ng masaganang hangin. (ITUTULOY)
- Latest